• October 10, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Meeting ni Sy sa PBA officials, mahiwaga

Tikom ang bibig ni Blackwater team owner Dioceldo Sy sa detalye ng kanilang meeting ni Philippine Basketball Association (PBA)  commissioner Willie Marcial.

 

Tanging sinabi lang ni Sy ay “satisfied” ito matapos humingi ng paumanhin sa kanyang nasabi noong isang Linggo matapos silang  (Blackwater Elite) patawan ng parusa at multa ng PBA dahil sa pag-eensayo.

 

“It’s beyond me already because I’ve humbled down and apologized to the PBA. That’s just about it,” ani Sy pagkatapos ng meeting.

 

“Not much explanation. But I can’t disclose anything,” wika nito. “Actually, it’s better that you talk with (PBA) chairman Ricky (Vargas) and vice chair (Bobby) Rosales (of Terra Firma).”

 

Ayaw ring magsalita ni Marcial sa mga detalye kaugnay sa pag-uusap nila ni Sy, pero sinabi nitong sinabihan siya ni Vargas na sulatan si Sy.

 

“Sinabi ko sa kanya may letter na pinagawa si chairman (Vargas) sa akin. May mga tanong si chairman sa kanya. Hindi ko pwede i-disclose,” ani Marcial.

 

Nakipag-meeting si Sy kay Marcial isang araw matapos itong humingi ng paumanhin kay Games and Amusement Board (GAB) chairman Abraham Mitra dahil sa ginawang iligal na team praktis ng koponan.

 

Tinanggap naman ni Mitra ang paghingi ng sorry ni Sy, pero sinabi ng GAB na pag-aaralan pa nila nang husto ang sitwasyon.

Other News
  • Big-time oil price hike, umarangkada na naman

    SIMULA  alas-6 ng umaga, Martes (August 30) ay ipinatupad ng mga gasoline stations ang taas presyo sa kanilang produktong petrolyo.     Ayon sa Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Inc., ay magkakaroon sila ng pagtataas sa presyo ng oil products dahil sa paggalaw ng presyuhan ng mga produktong petrolyo sa World market.   […]

  • US idedepensa Pinas vs pag-atake sa South China Sea

    INULIT  ni US Vice Pre­sident Kamala Harris ang pangako ng Amerika na ipagtatanggol ang Pilipinas sakaling magkaroon ng armadong pag-atake sa South China Sea.     Sa pakikipagpulong kay Pangulong Ferdi­nand Marcos Jr. sa Ma­lacañang, binanggit ni Harris ang 1951 Mutual Defense Treaty na batayan para ipagtanggol ng Amerika ang Pilipinas.     “An armed […]

  • Terence Crawford, looking forward pa rin na makaharap si Pacquiao

    Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si reigning WBO world welterweight champion Terence Crawford na makaharap si Pinoy boxing champion Manny Pacquiao.   Sinabi nito ng kung hindi lamang sa naranasang coronavirus pandemic ay natapos na ang kontrata.   Sakaling hindi aniya siya mapili ng fighting senator ay handa itong harapin ang sinumang nasa 147 […]