• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mega vaccination site sa Nayong Pilipino gagawing 24/7

Maaaring magkaroon ng 24/7 na operasyon ng pagbabakuna kontra COVID-19 sa planong mega vaccination site sa Nayong Pilipino.

 

 

Sinabi ni National Task Force Against Covid-19 spokesman Restituto Padilla, na angkop ang planong mega vaccination site sa Nayong Pilipino dahil mayroon umanong sariling storage facility doon kaya maaaring gawin ito dahil mayroong makukuhang bakuna na tuluy-tuloy.

 

 

Nilinaw naman ni Padilla  na hindi pa inilulunsad ang kontrobersyal na proyekto subalit plano itong simulan ng gobyerno ngayong buwan dahil maayos na itong napagkasunduan.

 

 

Ayon naman kay vaccine czar Carlito Galvez Jr., na hindi pa pirmado ng Nayong Pilipino Foundation (NPF) Board of Trustees (BT) ang naturang proyekto.

 

 

Nauna na rin sinabi ng NPF na ang konstruksyon ng mega vaccination site sa lugar ay makakaapekto sa kapaligiran dahil puputulin ang halos 500 puno doon. (Gene Adsuara)

Other News
  • Dependent na legal spouse na existing members ng SSS, maaari ng magsumite ng death benefit claims online – SSS

    INANUNSYO ng Social Security System (SSS) na maaari ng makapagsumite ng death benefit claims ang mga dependent na legal spouse na existing member ng SSS sa pamamagitan ng online.     Ayon kay SSS president at CEO Michael Regino, ang pagsama sa death benefit application sa kanilang online services ay bahagi ng digital transformation efforts […]

  • Lydia de Vega bibigyang ng especial na lugar sa itatayong POC museum

    MAGKAKAROON ng kakaibang puwesto sa ipapatayong Philippine Olympic Committee Museum sa New Clark City sa Capaz, Tarlac ang namayapang sprint queen ng bansa na si Lydia de Vega.     Sinabi ni POC president Abraham “Bambol” Tolentino na plano nilang maglagay ng lugar sa nasabing museum kung saan makikita ang mga tagumpay ni de Vega. […]

  • Emosyonal sa pagtatapos ng termino bilang Congressman: ALFRED, tuloy-tuloy ang paglilingkod sa QC bilang isang Councilor

    TULOY-TULOY lang ang pagsi-serve ng actor-public servant na si Alfred Vargas kahit tapos na ang termino niya bilang Congressman ng QC.   Pinost ni Alfred ang kanyang panunumpa sa bagong posiston bilang Konsehal.     Caption niya, “Public service is a call we’d gladly and honorably answer any time.     “Tuloy tayo sa paglilingkod […]