• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mekaniko kalaboso sa 3 nakaw na motorsiklo

KULONG ang isang mekaniko matapos makumpiska sa kanya ang tatlong nakaw na motorsiklo sa isinagawang Simultaneous Enhanced Managing Police Operation (SEMPO) ng pulisya sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.

 

Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director P/ Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang naarestong suspek na si Neilmar Sinepete, 24 ng Phase 7-B, Block 1, Lot 18, Package 3, Brgy. 176, Bagong Silang.

 

Ayon kay NPD District Anti- Carnapping Unit (DACU) chief P/ Maj. Jessie Misal, unang i-nireport sa kanila ng mga biktimang si Rose Marie Busa, 23 ng Phase 7-C, Brgy. 176, at Jeno Ponce, 28, fast food crew ng Sto. Ñiño, Maligaya Street, Brgy. 177, kasama ang dalawang saksi ang pagkawala ng kanilang mga motorsiklo habang nakaparada sa labas ng kanilang bahay.

 

Sa isinagawang imbestigasyon ay nakilala ang suspek kaya’t kaagad sinalakay ng mga pulis ang kanyang bahay kung saan namataan ni Busa ang kanyang motorsiklo na sinasakyan ni Sinepete.

 

Nang mapansin ng suspek ang presensya ng mga pulis ay agad itong humarurot papasok sa kanilang compound kung saan siya nakorner at doon nakita ang dalawa pang nakaw na motorsiklo.

 

Kakasuhan ang suspek ng paglabag sa Republic Act No. 10883 (New Anti-Carnapping Law of 2016) habang inaalam pa ang pagkakilanlan ng kanyang dalawang kasabwat. (Richard Mesa)

Other News
  • NAVOTAS SCHOLARS TUMANGGAP NG ALLOWANCE

    TUMANGGAP ang academic scholars ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng kanilang allowance para sa March hanggang June 2021.     Nasa 62 beneficiaries ng NavotaAs Academic Scholarship ang nakatanggap ng P4,000-P20,800 educational assistance. 55 dito ang high school students, dalawa ang college, at lima ang teachers.     “Metro Manila will be under Enhanced Community […]

  • Pagwawakas sa work-from-home setup ipinuubaya ng DOLE sa mga employers

    Ipinauubaya na lamang ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer kung itutuloy pa ba nila o hindi ang work-from-home arrangement ng kanilang mga empleyado sa gitna ng COVID-19 pandemic.     Sinabi ito ni Bello matapos na magdesisyon ang national government na luwagan pa ang quarantine classification ng Metro Manila sa Alert […]

  • Uniform travel protocols para sa lahat ng LGUs, inaprubahan ng IATF

    INAPRUBAHAN kahapon ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang Uniform travel protocols para sa lahat ng Local Government Units (LGUs).   Ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ang siyang gumawa ng uniform travel protocols “for land, air and sea” sa pakikipag-ugnayan sa Union of Local Authorities of the Philippines, League of Provinces of […]