Melindo humihingi ng suporta sa para sa kanyang championship fight
- Published on December 29, 2022
- by @peoplesbalita
CEBU CITY-Huhihingi ng dasal at suporta sa mga kabakabayng pinoy si dating IBF at IBO light-flyweight world champion Milan “El Metodico” Melindo para sa pinakahihintay niyang championship fight sa darating na Enero 11, 2023 sa Cebu City Sports Center (CCSC) kung saan kanyang makakaharap ang isang Thailander na regional boxing champion.
Sa exclusibong panayam ng Bomboradyo Cebu, sinabi ni Melindo na gusto niyang muling umangat ang kanyang karera sa boxing at maging kampiyon muli sa dalawang magkaibang division matapos sa kanyang matagal na pahinga sa ring at tatlong sunod-sunod na pagkatalo sa Japan.
Pero hindi magiging madali ang kagustohan ni Melindo na may record na (38-5-14 KO’s) dahil makakaharap niya ang isang malakas na boxer na si Chaiwat Buatkrathok na may kargadang (38-7-25KO’s) at ang kasalukoyang WBC Asian Boxing Council Continental featherweight champion.
Sa nasabing laban pag-aagawan nina Melindo at Buatkrathok ang bakanteng Oriental Pacific Boxing Federation (OPBF) silver featherweight title sa loob ng 10 round bout.
Samantala, makakalaban naman ng reigning World Boxing Foundation (WBF) Australasian flyweight champion at pinoy boxer Kit Garces (5-0-4KO’s) ang kapwa Pinoy na si Noli James Maquilan(4-1-3KO’s) sa co-main event.
Bilang karagdagan, mayroong walong undercard bouts na itinampok sa fight card na in-line para sa Sinulog Festival 2023. . (CARD)
-
Muling nagkasama noong birthday ng dating asawa: POKWANG, ‘di ipagkakait si MALIA kay LEE at maging masaya
KAHIT hiwalay na, nagkasama pa rin sina Pokwang at ex-partner na si Lee O’Brian para i-celebrate ang 47th birthday nito kasama ang kanilang mga anak. Pinost ni Pokwang sa kanyang Instagram ang video ng birthday celebration ni Lee at masayang-masaya ang anak nilang si Malia. “Happy birthday Dada @leeobrian. Pero ikaw @malia_obrian ang […]
-
Pag-IBIG, nakapagtala ng record-high P34.73 billion net income noong 2021
NAKAPAGTALA ang Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund ng kanilang “highest-ever net income” noong nakaraang. Nahigitan na nito ang pre-pandemic bottom line figures. “Our strong performance last year led us to reach a net income of P34.73 billion. This is our highest net income ever, surpassing by 9.5% our P31.71 […]
-
Nasalanta ni ‘Goring’ umakyat sa 196,900 katao; isa nawawala
UMAKYAT na sa 196,926 ang bilang ng mga residenteng apektado ng Super Typhoon Goring mula sa pitong rehiyon sa Luzon na apektado nito. Ayon ito sa isang ulat mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kung saan binanggit na 56,410 ang bilang ng mga pamilyang apektado ng super typhoon. […]