Melvin Jerusalem kontra Oscar Collazo konti kembot na lang
- Published on February 4, 2023
- by @peoplesbalita
Maagang madedepensahan ni World Boxing Organization mini-flyweight champion Melvin Jerusalem ang kanyang titulo kapag naplantsa ang pakikipag-umbagan kay 2019 Pan American Games gold medalist at undefeated Puerto Rican Oscar Collazo.
Inatasan ng WBO World Championship Committee ang dalawang boksingero para sa mandatory bout. Binigyan ang dalawang kampo ng hanggang Pebrero 14 upang magkasundo at maiwasan ang purse bid kasunod ng paghirang kay Collazo bilang top contender sa nagdaang weekend.
“Please be advised that the WBO World Championship Committee is hereby ordering the commencement of negotiations for the subject matter bout,” bulalas ni WBO WCC chairman Luis Batista-Salas . “The parties herein have 15 days upon issuance of this letter to negotiate and reach an agreement accordingly.”
Tinapos ni Jerusalem ang anim na buwang pagkabokya ng ‘Pinas sa men’s world boxing title nang patumbahin si Japanese Masataka Taniguchi sa second round nung Enero sa Osaka upang mahablot ang korona. (CARD)
-
SANYA at ROCCO, reunited sa inaabangang primetime series na ‘First Lady’; kinakiligan pa rin ng fans
REUNITED sina Sanya Lopez at Rocco Nacino sa inaabangan na GMA primetime teleserye na First Lady. Unang nagtambal sina Sanya at Rocco sa Encantadia noong 2016 at nasundan ito ng Haplos noong 2017. Nagkaroon ng fans ang tambalan nila Sanya at Rocco at umasa silang magkakatuluyan ang dalawa, pero biglang lumitaw […]
-
Naitatalang daily COVID 19 cases sa NCR, malaki ang posibilidad na umabot na sa 400 hanggang 500 sa katapusan ng buwan – OCTA Research
TINATAYANG papalo na sa 400 hanggang 500 cases kada araw ang nakikitang projection ng Octa Research na maitatalang kaso ng COVID 19 pagdating ng June 30. Sa Laging Handa public briefing, sinabi Dr Guido David na sadyang papabilis ang kasong naire- record araw- araw. Aniya, naobserbahan nila na sa mga nakaraang […]
-
2 tricycle driver na tirador ng cable wire sa Malabon, timbog!
HIMAS-REHAS ang dalawang tricycle driver na kapwa tirador umano ng mga cable wire matapos maaresto ng mga rumespondeng pulis sa Malabon City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jonathan Tangonan ang mga naarestong suspek na sina Chester Esmundo, 27 ng Sto Niño St., Brgy. Concepcion at Crisanto Magallanes, 37 […]