Mental Health Emergency, pinadedeklara
- Published on February 4, 2023
- by @peoplesbalita
BUNSOD na rin sa naiulat na pagtaas sa bilang ng mga estudyanteng nagpapakamatay, nanawagan ang Kabataan Party List kay Pangulong Bongbong Marcos na magdeklara ng Mental Health Emergency.
Nag-aalala rin ang partylist sa report ng Department of Education (DepEd) sa isinagawang pagdinig ng Senate Committee on Basic Education na nasa total na 404 youth students sa bansa ang nagpakamatay at 2,147 iba naman ang nagtangkang tapusin ang kanilang buhay sa Academic Year 2021-2022.
“Crunching the data, there had been more than one student who fell victim to suicide per day while roughly one student attempted to commit suicide every four hours in the past academic year. These are numbers we have never seen before,” ayon kay Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel.
Ibinunyag pa ng DepEd na ang kasalukuyang ratio ng Mental Health Professionals to students ay nasa 1:13,400, malayo sa ideal ratio na 1:500.
Dala nito, nanawagan ang mambabatas na magdeklara ng mental health emergency para magbigay daan sa agarang aksyon mula sa gobyernopara sa badyet at suporta para sa pagkakaroon ng mga mental health professionals at serbisyo.
Dapat ding ipatupad ng Kamara ang oversight powers nito para masilip ang pagpapatupad ng Mental Health Law upang matugunan ang alinmang kakulangan nito.
“Higit sa pagtugon sa mental health services, di natin maitatanggi na epekto rin ito ng higit dalawang taong pagsara ng mga paaralan at ang distance o hybrid learning modality na dumoble sa load at gastusin ng mga estudyante. In this regard, we also need a serious review and overhaul of education policies especially the K-12 while we ensure 100% face-to-face classes,” pahayag pa ni Manuel.
Nakatakdang maghain ang grupo na resolusyon sa kamara para hikayatin ang kasalukuyang administrasyon na magdeklara ng mental health emergency, imbestigahan ang kasalukuyang krisis at bilisan ang pagpapatupad ng mga polisiya upang matugunan ang nasabing krisis.
Mahigpit ding magmomonitor ang Kabataan Partylist sa implementasyon ng DepEd MATATAG Education Agenda para sa pagpapatupad ng mental health services sa bawat eskuwela. (ARA ROMERO)
-
Magnitude 5.9 na lindol niyanig Mindoro, ramdam hanggang Metro Manila
BINULAGA nang malakas-lakas na magnitude 5.9 na lindol ang ilang bahagi ng Luzon ayon sa Phivolcs, bagay na nangyari ilang oras matapos ianunsyo ang 2023 Bar Exam results. Bandang 4:23 p.m. kahapon nang yanigin ng lindol ang epicenter ng Lubang, Occidental Mindoro. Nagtala ang Phivolcs ng iba’t-ibang intensity sa maraming bahagi […]
-
MEDICAL CANNABIS AVAILABLE NA SA BANSA
IBINUNYAG ni Dr. Gen Marq Mutia, presidente ng Philippine Society of Cannabinoid Medicine, na dapat malaman ng lahat, malaman ni First Lady Liza Araneta Marcos at Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na available na ang medical cannabis sa bansa. Sa Media Health Forum sa Quezon City nitong Lunes, sinabi ni Dr. Mutia, […]
-
LINDSAY, nagsalita na rin at fake news na ‘nabuntis’ ni DINGDONG
NAGSALITA na rin ang Kapuso actress na si Lindsay de Vera tungkol sa kumalat na buntis issue at ang nakabuntis daw sa kanya ay ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes. Nagsalita ang 21-year old na aktres sa online talkshow ni Jobert Sucaldito noong January 25. Sey ni Lindsay: “I […]