• April 26, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mental health helplines para sa mga estudyante at guro, inilunsad ng DepEd

Inilunsad ng Department of Education (DepEd) ang helpline system para sa mga estudyante at ilang school personnel upang matugunan ang kanilang mga mental health concerns.

 

 

Katuwang ng kagawaran ang Disaster Risk Reduction and Management Services (DRRMS) sa paglulunsad ng mental health helpline system na naglalayon na masuportahan ang mga mag-aaral, guro at ang publiko sa oras ng kanilang mental at psychological distress.

 

 

Ayon kay Deped Sec. Leonor Briones, priority ng kanilang kagawaran ang ma-promote at maprotektahan ang mental health at general welfare ng kanilang mga nasasakupan lalo na sa panahon ngayon kung saan ay kumakaharap ang bansa sa hamon na dulot ng COVID-19 pandemic.

 

 

Dagdag naman ni DRRMS Director Ronilda Co, ang mga nasabing helplines ay makapagbibigay ng mental health at psychosocial support services sa mga kabataan at iba pang nasasakupan ng Deped.

 

 

Narito ang mga sumusunod na helpline numbers ng mga organisasyon na maaring tawagan:

 

  • Circle of Hope Community Services, Inc. : ‎(+63) 917 882 2324, ‎(+63) 908 891 5850, ‎(+63) 925 557 0888
  • Hopeline PH: ‎(02) 8804 46 73, ‎(+63) 917 558 4673, ‎(+63) 918 873 4673, Globe/TM toll-fee 2919
  • The 700 Club Asia: ‎(+63) 949 889 8138, ‎(+63) 943 706 7633, ‎(+63) 0943 145 4815, ‎(+63) 917 836 1513, ‎02 8737 0700, ‎1-800-1-1888-8700

 

 

Naglaan na din ng mga posters na may kumpletong listahan ng contact informations at helplines ang kagawaran sa iba’t ibang mga tanggapan nito

 

 

Maaari rin makita ang mga ito online sa official Facebook page at website ng Department of Education.

 

 

Ia-update naman ng kagawaran ang lahat ng numero ng helpline tuwing Marso at Oktubre ng taon.

 

 

Ang nasabing issuance ng mga mental health helplines ay bilang pagtugon sa probisyon ng Mental Health and Psychosocial Support Services (MHPSS) sa DepEd Order No. 14, s. 2020 o ang ‘Guidance on the Required Health Standards in Basic Education Offices and Schools.

Other News
  • AJ, umaming nagpa-enhance ng kanyang boobs at plano nang ipatanggal

    SA virtual media conference ng latest Vivamax Original movie na Crush Kong Curly, may ipinagtapat ang Pandemic Star na si AJ Raval na nagpa-breast enhancement siya last year.     May nag-suggest daw sa kanya na magpalaki ng boobs at dahil na-excite siya ay nagpa-breast implants siya na ngayon ay pinagsisisihan na niya.     Kuwento […]

  • PAOLO, inamin na may ‘herniated disc’ dahil nasa lahi nila

    SA Instagram account (@pochoy_29) ni Paolo Ballesteros, may isang netizen na nagtanong sa isa sa host ng Eat Bulaga sa kapansin-pansin na posture niya.     Comment ni @irmabaylen78, “Hi, Pao! I always watch eat bulaga. Stress reliever ko kayong lahat. Medyo bothered ako sayo Pao. Napansin ko kse yun likod mo. May scoliosis ka […]

  • Listahan ng multa sa single ticketing system aprubado na

    APRUBADO na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang matrix ng multa naibabayad ng mga mahuhuling motorista na lalabag sa mga batas trapiko sa ilalim ng single ticketing system na nasa Metro Manila Traffic Code.       Inaprubahan ng Metro Manila Council noong nakaraang linggo ang multa mula P500 hanggang P10,000 depende sa violation […]