• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mental health programs sa mga paaralan, palalakasin ng DepEd

PLANO ng Department of Education (DepEd) na palakasin pa ang mental health programs sa mga iskul, kasunod na rin ng ilang karahasan na naganap mismo sa loob ng mga paaralan.

 

 

Ayon kay DepEd Spokesperson Michael Poa, nais nilang matugunan ang mga naturang problema sa school level pa lamang.

 

 

“We can see from the circumstances surrounding such incidents that they are related to mental health issues,” pahayag pa nito.

 

 

“The Department commits to seek out mental health experts and advocates to be able to formulate and implement effective programs to address such issues at the school level,” dagdag pa ni Poa.

 

 

Nauna rito, isang 13-anyos na estudyante ang pinagsasaksak at napatay ng kanyang 15-anyos na kaklase sa labas ng kanilang silid-aralan sa Culiat High School sa Quezon City. Ang mga guro at mga estudyante sa naturang paaralan ay isinailalim na ng DepEd- National Capital Region sa stress debriefing sessions.

 

 

Noong Disyembre 2 naman, dalawang estudyante ng Colegio San Agustin sa Makati City ang nasangkot sa gulo sa loob ng palikuran ng campus habang kahapon lamang naman, nabaril ng isang 12-anyos na estudyante ang kanyang sarili sa loob ng paaralan sa Bulacan, matapos na bitbitin sa paaralan ang baril ng kanyang ama. (Daris Jose)

Other News
  • World’s No. 1 Djokovic binigo ni Zverev na makamit ang ‘Golden Slam’

    Nagtapos na ang kampanya sa Tokyo 2020 ni tennis world number 1 Novak Djokovic matapos talunin siya ni Alexander Zverev (No. 5).     Nakuha kasi ng German player ang score na 1-6, 6-3, 6-1 para makapasok sa semifinals.     Target kasi ng Serbian tennis star na maging unang men’s tennis player na manalo […]

  • Van rental owner niratrat ng nakaalitan sa pustahan sa bilyar, todas

    DUGUANG humandusay ang katawan ng 37-anyos na van rental owner matapos pagbabarilin ng ka-barangay na nakaalitan niya sa pustahan sa larong bilyar sa Caloocan City. Sa ulat nina P/SSg. Aldrin Mathew Matining at P/Cpl. Ariel Dela Cruz kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktimang si alyas “ Mark”, ng […]

  • Toledo, bukas na tanggapin ang alok na maging press secretary

    BUKAS si Atty. Michael “Mike” Toledo na tanggapin sakali’t  ialok sa kanya ng administrasyong Marcos ang posisyon bilang press secretary.      Kabilang kasi ang pangalan ni Toledo sa mga pinagpipilian na magiging kapalit ni Atty. Trixie Cruz-Angeles na nagbitiw sa kanyang tungkulin dahil sa health reasons.     Hindi naman itinanggi o kinumpirma ni Toledo ang […]