Meralco Avenue sa Pasig sasaraduhan simula Oct. 3hanggang 2028
- Published on September 14, 2022
- by @peoplesbalita
ISANG bahagi sa Meralco Avenue sa lungsod ng Pasig ang sasaraduhan sa trapiko simula sa Oct. 3 dahil sa gagawing civil works sa Shaw Boulevards kaugnay sa pagtatayo ng P488.48 billion na Metro Manila Subway project.
Tinatalang hanggang 2028 ang pagsasara ng nasabing pangunahing lansangan sa Pasig ayon sa Department of Transportation (DOTr).
Ngayon pa lang ay pinaaalalahanan na ang motoring public naiwasan ang paggamit at pagdaan sa Northbound at Southbound lanes ng Meralco Avenue kapag nasimulan na ang konstruksyon ng subway sa Oct. 3.
“The road closure will take effect until 2028 and will cover the front section of Capitol Commons up to Shaw Boulevard. Meralco Avenue will serve as the access point to the Shaw Boulevard station of the Metro Manila Subway,” wika ng DOTr.
Binalangkas na ang magiging alternative routes para sa mga motorista na maaari nilang daan sa pagtutulungan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), at ng lungsod na pamahalaan ng Pasig.
Sa ilalim ng nasabing rerouting scheme, ang mga traditional jeepneys na papuntang Shaw Boulevard na galing Meralco Avenue na dating dumaraan sa Captain Henry Javier street ay sa Danny Floro na kailangan dumaan.
Habang ang mga modern jeepneys na dating dumadaan sa Dona Julia Vargas Avenue ay magkakaroon ng rerouting papuntang San Miguel Avenue.
Ang mga UV Express ay bibigyan ng pagkakataon na dumaan katulad ng sa modern jeepneys at maaari rin silang magkaroon ng access sa Anda Road papuntang Camino Verde.
Habang ang mga pribadong sasakyan ay maaari naman magkaroon ng access sa lahat ng nasabing routes.
Umaapela ang DOTr sa publiko sa kanilang pang-unawa habang ginagawa ang civil works sa nasabing subway kung saan sila ay siguradong maaabala. Ang nasabing proyekto ay siyang kauna-unahang underground railway sa bansa.
Ang P488.48 billion subway ay binigyan ng pondo mula sa Japan kung saan ito ay may habang 33 kilometers na dadaan sa pitong (7) lungsod mula Valenzuela hanggang Pasay.
Travel time mula Quezon City kung saan magkakaroon ng limang (5) istasyon papuntang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay magiging 35 na minuto lamang.
Ang Megawide Construction Corp. ang nakakuha ng kontratang (CP) 104 ng subway na nagkakahalaga ng P17.75 billion kasama dito ang istasyon ng Ortigas North at Ortigas South at ng tunnels na magdudugtong sa mga ito.
Nagbabalak din ang Megawide na sumali sa bidding ng CP 105 kung saan ang istasyon mula Shaw Boulevard papuntang Bonifacio Global City sa Taguig ay itatayo.
Pagkatapos ng istasyon sa BGC, magkakaroon naman ng mga limang (5) istasyon sa Lawton at Senate sa Manila, FTI sa Taguig, Bicutan sa Parananque at NAIA sa Pasay City. LASACMAR
-
HON. RUFUS B. RODRIGUEZ
HON. RUFUS B. RODRIGUEZ Chairman, Committee on Constitutional Amendments Vice Chairman, Committee on Justice House of Representatives Honorable Congressman Rodriguez, Good morning, Sir. I am writing to suggest, If I may, a possible solution to the problem of social distancing in Smoke Emission Testing Centers. That you see people crammed inside emission […]
-
Price rollback, posible sa susunod na linggo-Cusi
MALAKI ang posibilidad na magkaroon ng price rollback sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo. Sinabi ni Energy Secretary Alfonso Cusi na bunga di umano ng mga pinakabagong pangyayari sa Ukraine, Russia, at China. Sinabi ni Cusi na bababa ang presyo ng mga produktong petrolyo kung patuloy din na bababa […]
-
Kyrgios at Tsitsipas minultahan ng Wimbledon
PINATAWAN ng multa ng Wimbledon ang sina tennis star Nick Kyrgios at Stefanos Tsitsipas. Ito ay matapos ang naganap na bangayan nila ng sila ay magharap sa ikatlong round ng nasabing torneo. Mayroong $10,000 na multa ang world number 5 na si Tsiptsipas dahil sa unsportmanlike conduct. Itinuturing na […]