Meralco may 5 malaking pambabakod kay Fajardo
- Published on January 14, 2021
- by @peoplesbalita
INAASAHAN na ng marami na mabibigyan ng contract extension si Raymon ‘Jammer’ Jamito sa Meralco dahil sa impresibong pinakita sa 45th Philippine Basketball Association 2020 Philippine Cup bubble sa Angeles City.
Namemeligro naman si Siverino ‘Nonoy’ Baclao Jr. dahil hindi nakapaglaro sa Pampanga bubble na naipit sa pag-lineup sa kanya noong isang taon at galing sa injury.
Pero lumagda na ang dalawang basketbolista sa Bolts para sa 46th PBA PH Cup 2021 na magbubukas sa darating na Abril 9.
Maaaring nabigyan din ng isang taong bagong kontrata si Baclao kagaya ni Jamito dahil sa iisa ang kanilang agent-manager, ang magaling na si Danny Espiritu.
Mula sa bench, may average ang 30-anyos, 6-5 ang taas at tubong Basud, Batangas na si Jamito ng 5.0 points at 3.8 rebounds per game pumatok ang YouTube channel niyang Jammer Jamito Explore sa pasiklab sa Bolts sa semifinals.
Makakabalik na rin sana sa all-Pinoy bubble ang 6-5, 33-anyos na center/forward na si Baclao mula nang operahan sa injury (ruptured patellar tendon), pero naipit sa rule. Hindi naisama ang pangalan niya sa
Makakatulong ang dalawa sa malalaking manlalaro ni Bolts Norman Black kina Raymond Almazan, Clifford Hodge at Reynel Hugnatan sa misyong madale na nila ang unang titulo sa ika-11 taon sa parating na season.
Nasisilip ng Opensa Depensa, na preparasyon na rin ng team ang hakbang para pagbabalik naman ni 6-10 center, six-time pro league Most Valuable Player June Mar Fajardo para sa San Miguel Beer makaraan ang one-season rest sanhi rin ng operasyon sa injury. (REC)
-
Ads April 5, 2025
-
CHR, handang makipagtulungan sa ICC ukol sa imbestigasyon sa drug war sa Pinas
HANDA ang Commission on Human Rights (CHR) na makipagtulungan sa International Criminal Court (ICC) sa imbestigasyon nito sa drug war sa Pilipinas sa ilalim ng liderato ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Gayunman, wala namang ideya at hindi pa alam ni CHR chair Richard Palpal-Latoc kung anong ‘specific cases’ ang titingnan ng ICC. […]
-
CHED: 126 unibersidad, nagpatupad ng academic break; 123 pa susunod na rin
KABUUANG 126 unibersidad na sa bansa ang nagpatupad ng academic break simula nitong Enero, kasunod nang panibagong surge ng COVID-19. Ayon kay Commission on Higher Education (CHED) chairperson Prospero de Vera III, may ilang unibersidad ang nagdeklara na ng academic break bago pa man itaas ang Alert Level 3 ng COVID-19 sa ilang […]