Meralco wala munang disconnection sa NCR, Laguna
- Published on August 6, 2021
- by @peoplesbalita
Sinuspinde muna ng Manila Electric Company (Meralco) ang kanilang disconnection activities sa Laguna at National Capital Region (NCR) sa ilang piling petsa ngayong Agosto.
Ito’y kasunod na rin nang pagsasailalim ng pamahalaan sa mga naturang lugar sa mas istriktong community quarantines dahil sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 nitong mga nakalipas na araw.
Sa paabiso ng Meralco, ang disconnection sa Laguna ay suspendido mula Agosto 1 hanggang 15, dahil sa pagpapasailalim sa lalawigan sa modified enhanced community quarantine (MECQ).
Samantala, hindi rin muna magpuputol ang Meralco ng linya ng kuryente sa NCR simula Agosto 6-20 dahil sa nakatakdang enhanced community quarantine (ECQ) sa rehiyon.
Umapela rin ang Meralco sa mga kostumer na makipag-ugnayan sa kanila sa mga billing concerns ng mga ito at samantalahin ang pagkakataon upang makaiwas sa mahabang pila, sa sandaling alisin nang muli ang ECQ.
Tuloy naman ang meter reading at bill delivery activities ng Meralco. (Gene Adsuara)
-
Diablox’ pumiyok, tumugma na nasa likod ng pag-hack sa mga gov’t websites
TUMUGA ang isang indibiduwal at umamin na responsable sa kamakailan lamang na cyberattacks sa ilang government websites. Sa isang recorded video message na naka-post sa X, dating Twitter, isang account ng nagngangalang ‘Diablox Phantom’ ang humingi ng paumanhin sa mga naapektuhan ng kanyang ginawang pagha-hack. Kinumpirma naman ni DICT spokesperson Assistant […]
-
Ads October 12, 2024
-
Pinoy na nagsisimba linggo-linggo 38% lang — SWS survey
BAGAMA’T 70% ng mga Katolikong Pilipino ang nagdarasal ng hindi bababa sa isang beses sa isang araw, kakarampot lang ang dumadalo sa pagsamba linggo-linggo, ayon sa panibagong survey na inilabas ng Social Weather Stations (SWS). ‘Yan ang resulta ng poll ng SWS na ikinasa mula ika-10 hanggang ika-14 ng Disyembre 2022 na siyang […]