Meta, pinagpapaliwanag sa Senado sa isyu ng umano’y censorship
- Published on April 28, 2022
- by @peoplesbalita
PINAGPAPALIWANAG ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. ang social media giant na Meta, ang mother company ng social networking platform na Facebook.
Ayon kay Revilla na siyang chairman ng Senate committee on public information and mass media, nakakaalarma ang sunod-sunod na censorship ng social media firm.
Matatandaang isa sa umalma sa warning ng Meta ang kampo ni Presidential Security Adviser Hermogenes Esperon Jr.
Habang ngayong araw naman ay kinumpirma ng tagapagsalita ni dating Sen. Ferdinand Marcos Jr. na si Atty. Vic Rodriguez na sinusinde ng Facebook ang kaniyang account.
Samantala, nanindigan naman ang Meta na walang company officials na sangkot sa flagging ng mga post ng ilang government offices.
Ayon sa Meta, batid nila na tila na-block ng isang automation system ang pag-share ng ilang links sa kanilang platform.
Dahil dito, naka-flag din ang posts ng ibang Facebook pages na una nang nag-share ng mga nasabing link kaya’t iniimbestigahan at nireresolba na nila ang issue.
Nilinaw pa ng Meta na ang third-party fact-checking partners ay hindi basta nagtatanggal ng content, accounts o pages mula sa kanilang apps.
Nagtatanggal lamang ang FB ng content kung lumalabag ito sa kanilang community standards, na iba pa sa fact-checking programs nito.
-
‘Best Night Ever’ ang naging experience niya… KIM, sobrang saya na nakapanood ng Blackpink sa Georgia, USA
NAPAKASAYA ni Kim Chiu na nakapanood ng concert ng Blackpink sa Georgia, USA. Bukod pa kasi sa experience na ‘yon, nakapag-travel si Kim mula sa Las Vegas (kunsaan ang ASAP in Vegas) sa Georgia na mag-isa at isang backpack lang ang dala. In bold letters na “Best Night Ever” raw para kay […]
-
1 month to go: Bagong NBA season aarangkada na, ilang teams tiniyak na babawi
Eksaktong isang buwan mula ngayon, pormal nang magbubukas ang bagong season ng NBA. Kaya naman sa susunod na linggo simula na rin ng puspusang training camps matapos ang pahinga ng mga players at koponan dahil sa NBA offseason. Kasabay ng regular season tip off sa darating na October 19, ay ang […]
-
Malolos-Clark railway naantaladahilsa payment issues
NABIGONG magbayad ang pamahalaan sa tamang oras sa isang contractor ng Malolos-Clark Railway Project (MCRP) kung kaya’t naantala ang construction works. Maantala ng isang taon na dapat ay sa 2024 na siyang targeted completion ng nasabing imprastruktura. Ayon kay Department of Transportation (DOTr) undersecretary Cesar Chavez na ang pamahalaan ay naharap […]