• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Metro Manila, 7 pang lugar COVID-19 hotspots

NANANATILING hotspot sa COVID-19 ang Metro Manila sa loob ng nakalipas na dalawang linggo maging ang mga lalawigan ng Cavite, Rizal, Batangas, Laguna, Bulacan, Negros Occidental at Iloilo.

 

Ito ang resulta ng pagsusuri ng UP-OCTA Research Team base sa mga datos na naitatala ng Department of Health (DOH) sa mga bagong kaso kada araw.

 

Kahit na may panawagan na para sa pagpapaluwag ng ‘lockdown’, ipinanukala naman ng UP team sa pamahalaan na magdeklara ng mas mahigpit na ‘quarantine’ partikular sa Bauan, Batangas; Calbayog sa Western Samar; at General Trias sa Cavite.

 

Ito ay dahil sa pagtaas ng ‘attack rate per 1,000 people’ ng virus sa Bauan mula 6.2% noong Oktubre 4 sa 11.9% nitong Oktubre 11; 5.1% sa 8% sa Calbayog at 4.9% sa 7.6% sa General Trias.

 

Nabatid naman na patuloy ang pagdagsa ng mga bagong kaso ng COVID sa Metro Manila na mas mababa sa 1,000 kaso kada-araw.

 

Ngunit iginiit ng mga mananaliksik na maaaring agad na mabaligtad ito kung hindi mapapanatili ng pamahalaan ang mahigpit na panuntunan sa kaligtasan. (Ara Romero)

Other News
  • Ayuda para sa mga Solo Parents, nilunsad sa Navotas

    NASA 220 Navoteñong mga kwalipikadong solo parents ang nakatanggap ng P2,000 cash tulong pinansyal mula sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas kasunod ng verification ng kanilang bagong-apply o na-renew na solo parent identification card sa pamamagitan ng Saya All, Angat All program. Ani Mayor John Rey Tiangco, ito na ang pang-apat na batch ng solo parents […]

  • 40-45 million Pinoy, hindi pa naturukan ng booster shot ayon sa DOH

    HUMIGIT -kumulang 40 hanggang 45 milyong Pilipino ang hindi pa nakakatanggap ng kanilang unang booster shot ng mga bakuna laban sa Covid-19.     Inihayag ni Department of Health Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na mahigit 20 milyong Pilipino sa ngayon ang nakakuha ng kanilang unang booster dose.     Kabilang sa mga dahilan ng mabagal […]

  • HEART, inamin na maraming beses na nilang pinag-usapan ni CHIZ at siya ang madedesisyon kung makikipagtrabaho kay JERICHO

    NAPAG-UUSAPAN din pala ng mag-asawang Governor Chiz Escudero at Heart Evangelista ang mga posibilidad tulad na lang kung muling makikipag-trabaho o makikipag-tambal si Heart sa ex-boyfriends niya.     Tinanong ni Karen Davila sa kanyang YouTube vlog kung halimbawa raw at may pelikula, ang magiging partner ni Heart ay si Jericho Rosales, papayag daw ba […]