• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Metro Manila balik sa mas mahabang curfew

Balik simula ngayon araw (Hulyo 25) ang mas mahabang curfew hours sa Metro Manila matapos na ipairal uli dito ang general community quarantine (GCQ) with heightened restrictions dahil sa banta ng COVID-19 Delta variant.

 

 

Sinabi ni Metropolitan Manila Development Autho­rity  (MMDA) chairman Benhur­  Abalos Jr. na napagkasunduan nila kahapon (Sabado) sa pagpupulong  ng Metro Manila Council (MMC)  na may 9 na mula sa dating tatlo lamang ng local case ng Delta variant sa Metro Manila ang naitala ng Department of Health (DOH).

 

 

Sa pahayag ni Abalos , ang bagong ipatutupad na curfew hours para sa National Capital Region ay mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw.

 

 

Una nang iniksian ang ipinatutupad na curfew  mula alas-12:00 ng madaling araw hanggang alas-4:00 ng mada­ling araw.

 

 

Ngunit dahil nga sa banta ng mga COVID variant partikular ang Delta variant at pagbabalik sa mas mahigpit na GCQ kaya napagpasyahan ng mga alkalde na muling pahabain ang curfew.

 

 

Aniya, dapat na mas maagap ngayong may local transmission na tumaas pa sa siyam ang Metro Manila dahil sa posibleng bilis na hawaan sa Delta variant. (Gene Adsuara)

Other News
  • Sen. Pacquiao, hindi payag ng exhibition game

    Ipinapasa-Diyos ni Senator Manny Pacquiao kung ilang laban pa ang gagawin.   Sa interview, inihayag na fighting senator na in God’s will kung sino ang susunod niyang makakasagupa sa ibabaw ng ring.   Nilinaw nito na wala pang final na decision na negosasyon sa sino mang boksingero pati ang magiging petsa ng laban.   Inamin […]

  • Inaasahan na sasagot ang kampo ng aktres: OGIE, naghain ng counter affidavit sa cyber libel case na isinampa ni BEA

    NITONG Martes, June 18 ay naghain na si Ogie Diaz ng counter affidavit sa reklamong cyber libel na isinampa laban sa kanya ni Bea Alonzo, kasama ng dalawa niyang co-host.   Sa isang press statement, ipinahayag ng abogado ng online host na si Regie Tongol na naghain naman ng counter-charge si Ogie ng perjury na […]

  • Ads July 18, 2023