• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Metro Manila mayors nagkasundo sa maikling curfew

Mas maikling oras na curfew ang nais ng mga alkalde ng Metro Manila upang bigyang-daan ang nalalapit na tradisyunal na Simbang Gabi .

 

Bukod dito, sinabi kahapon  ni Metro Manila Council Chairman at Parañaque Mayor Edwin Olivarez na ­inirekomenda rin nila sa national go­vernment na palawigan pa ang  general community quarantine (GCQ) sa National Capital Region (NCR) hanggang sa katapusan ng buwan kasabay naman sa pagpapaikli sa curfew hours at makagawa ng paraan para sa pagdaraos ng Simbang Gabi.

 

Nilinaw ni Olivarez na dahil sa tumataas pa ring mga kaso ng coronavirus disease 2019, mas dapat na manatili sa GCQ ang Metro Manila.

 

Una nang nagbabala ang OCTA Research group na sa NCR ay maaaring umabot ng hanggang sa 1,000 ang kaso kada araw kung hindi mababantayan.

 

Nagbabala ang mga eksperto sa patuloy na pagtaas pa ng mga kaso ng virus sa bansa dahil sa pagiging relax na ng mga tao sa Metro Manila.

 

“Makikita po natin parang nagluluwag nang konti so ‘di po natin pwedeng ibaba ang quarantine at (kailangan) i-maintain ang ating health protocol na pinatutupad. Meron tayong slight na pagtaas ng cases all over Metro Manila,”ani Olivarez sa Teleradyo.

 

“Yan ‘yung reason bakit natin nirekomenda ang pagme-maintain ng GCQ, para maibsan ang gatherings at pagluluwag ng negosyo. Pero kailangan magbukas na ng mga negosyo. ‘Yung protocols kailangan ­ipatupad ng local go­vernment units,” dagdag pa niya.

 

Nagkaisa ang mga mayor na pasimulan  ang curfew hours ng alas-12:00 ng hatinggabi hanggang alas -3:00 ng madaling araw..

 

Nilinaw ni Olivarez na iyan ang napagkasunduan ng Metro mayors subalit kailangan pang hintayin ang ilalabas na pag-amyenda sa mga naunang ordinansa sa curfew sa bawat lungsod. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Christopher Nolan’s ‘Tenet’, Finally Hitting to HBO Max This May

    HBO Max announced that Christopher Nolan’s espionage epic film Tenet will hit the Warner Media streamer May 1.     Tenet was originally scheduled for a July 2020 release, but as the COVID-19 pandemic forced theaters to shut down all around the world, Warner Bros. pushed the film back several times.     Some thought Tenet could be the […]

  • Sa bahay lang nag-celebrate ng wedding anniversary… MIKAEL at MEGAN, wala pang planong magka-baby at happy sa kanilang pets

    NAG-CELEBRATE ng kanilang 3rd wedding anniversary ang mag-asawang Mikael Daez at Miss World 2013 Megan Young.      Kinasal ang dalawa noong January 25, 2020.     Sa kanilang YouTube channel, nag-post sila ng isang nostalgic compilation video.     Sa Instagram ni Megan, binalikan niya ang 12-year relationship nila ni Mikael sa pamamagitan ng […]

  • ‘2nd middleman’ sa Percy Lapid slay, bantay-sarado ng BJMP

    KINUMPIRMA  ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na nasa kustodiya nila ang isa pang “middleman” sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid at bantay-sarado na nila ito.     Ayon kay BJMP chief Director Allan Iral, naka-isolate na sa isang jail facility sa Metro Manila ang middleman na may drug charges para […]