• December 6, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Metro Manila mayors nagkasundo sa maikling curfew

Mas maikling oras na curfew ang nais ng mga alkalde ng Metro Manila upang bigyang-daan ang nalalapit na tradisyunal na Simbang Gabi .

 

Bukod dito, sinabi kahapon  ni Metro Manila Council Chairman at Parañaque Mayor Edwin Olivarez na ­inirekomenda rin nila sa national go­vernment na palawigan pa ang  general community quarantine (GCQ) sa National Capital Region (NCR) hanggang sa katapusan ng buwan kasabay naman sa pagpapaikli sa curfew hours at makagawa ng paraan para sa pagdaraos ng Simbang Gabi.

 

Nilinaw ni Olivarez na dahil sa tumataas pa ring mga kaso ng coronavirus disease 2019, mas dapat na manatili sa GCQ ang Metro Manila.

 

Una nang nagbabala ang OCTA Research group na sa NCR ay maaaring umabot ng hanggang sa 1,000 ang kaso kada araw kung hindi mababantayan.

 

Nagbabala ang mga eksperto sa patuloy na pagtaas pa ng mga kaso ng virus sa bansa dahil sa pagiging relax na ng mga tao sa Metro Manila.

 

“Makikita po natin parang nagluluwag nang konti so ‘di po natin pwedeng ibaba ang quarantine at (kailangan) i-maintain ang ating health protocol na pinatutupad. Meron tayong slight na pagtaas ng cases all over Metro Manila,”ani Olivarez sa Teleradyo.

 

“Yan ‘yung reason bakit natin nirekomenda ang pagme-maintain ng GCQ, para maibsan ang gatherings at pagluluwag ng negosyo. Pero kailangan magbukas na ng mga negosyo. ‘Yung protocols kailangan ­ipatupad ng local go­vernment units,” dagdag pa niya.

 

Nagkaisa ang mga mayor na pasimulan  ang curfew hours ng alas-12:00 ng hatinggabi hanggang alas -3:00 ng madaling araw..

 

Nilinaw ni Olivarez na iyan ang napagkasunduan ng Metro mayors subalit kailangan pang hintayin ang ilalabas na pag-amyenda sa mga naunang ordinansa sa curfew sa bawat lungsod. (GENE ADSUARA)

Other News
  • P10K bonus sa Quezon City hall employees, aprub ni Mayor Joy

    INAASAHANG makakatanggap ang mga em­pleyado ng Quezon City Hall ng tig-P10,000 bonus bilang pagpapaabot ng pasasalamat sa kanilang kontribusyon sa “sound financial management” re­cognition na natanggap ng pamahalaang lungsod sa ikalawang sunod na taon.     Mismong si Quezon City Mayor Joy Belmonte ang nag-anunsiyo hinggil sa pagkakaloob ng bonus sa mga city hall employees […]

  • Ads May 10, 2024

  • WENDELL, nagagawa pa ring mag-choir sa church kahit may pandemic dahil commitment niya ‘yun

    IBANG level na rin ang lalim ng faith ng actor na si Wendell Ramos bilang isang Katoliko.       Noon pa namin siya nakakausap at kapag nakaka-kuwentuhan namin siya, pansin na namin kung gaano siya ka-devoted Catholic.     The way he speaks at kung paano ang pananaw niya sa buhay at pamilya.  Si Wendell ‘yun […]