Metro Manila mayors OK single ticketing system
- Published on January 23, 2023
- by @peoplesbalita
Binigyan na ng go-signal ang final draft ng single ticketing system sa National Capital Region (NCR) ng Metro Manila Council (MMC) kung saan ang mga Metro Manila mayors ay pumayag ng ipatupad ang programa.
“The Metro Manila mayors gave their go-signal for the implementation of the unified ticketing system. There was a motion for approval. It was duly seconded and there was no objection,” wika ni MMC chairman at Sa Juan mayor Francis Zamora.
Ang MMC ay siyang policy-making body ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Ito ay binubuo ng mga mayors sa kalakhang Maynila.
Nagkaroon ng pagpupulong ang technical working group ng MMDA, Land Transportation Office (LTO) at MMC noong nakaraang linggo upang ayusin ang mga detalye ng single-ticketing system.
Ayon kay Zamora, ang single-ticketing system ay ipapatupad ngayon taon posibleng sa darating na unang quarter ng taon.
“Under the single ticketing system, traffic violators will pay a standard amount regardless of the location where the traffic violations were committed,” dagdag ni Zamora.
Matapos ang mahabang konsultasyon sa mga lokal na pamahalaan at sektor ng transportasyon, ang MMA ay mayroon ng final na standards sa mga multa na ipapataw sa mga motoristang mahuhuli.
Sa ganitong paraan ay maiiwasan ang pagbabayad ng iba’t ibang halaga ng multa na ipinapataw ng mga iba’t ibang LGUs sa kalakhang Maynila at ng MMDA.
Kasama sa mga violations na ilalagay sa single ticketing system ay ang disregarding traffic signs, illegal parking, reckless driving, driving ng walang license, driving ng unregistered vehicle, overspeeding, illegal counterflow, number coding violations at obstruction. Ang hindi pagsusuot ng authorized helmets para sa mga motorcycle riders ay kasama rin sa mga violations.
“The STS will establish uniform and clear guidelines for violations like disregarding traffic signs, illegal parking (attended and unattended), reckless driving, driving without a license, driving an unregistered vehicle, overspeeding, illegal counterflow, number coding violations at obstruction,” saad ni Zamora.
Ang mga drivers’ licenses ay hindi na kailangan pa na konpiskahin dahil ang mga licenses ng mga violators ay lalagyan ng tagging ng LTO at MMDA upang hindi na makapag-renew ng kanilang driver’s license hanggang hindi nila nababayaran ang multang ipinataw. Maaaring bayaran ang mga multa sa pamamagitan ng digital wallets o magbayad sa mga rehistradong center ng LTO’s Land Transportation Management System.
Sa pagpapatupad ng STS, mareresolba rin ang mga issues at problems na tinalakay sa petisyon tungkol sa pagpapatupad ng polisiya sa no-contact apprehension. LASACMAR
-
Magandang birthday gift sa Kapuso actress: BARBIE, nanalo na naman ng Best Actress dahil sa pagganap bilang Klay
NAGING isang magandang birthday gift kay Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza last July 31, ang patuloy niyang pananalo ng acting awards sa pagganap niya as Klay sa “Maria Clara at Ibarra” na kasama niya sina Dennis Trillo, Julie Anne San Jose at David Licauco. On Instagram, Barbie posted a photo of her Best […]
-
Pagsasanib ng Landbank at DBP aprubado na kay PBBM
APRUBADO kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukalang pagsasanib ng Land Bank of the Philippines at ng Development Bank of the Philippines (DBP). Ito’y sa harap ng nakikita ng pamahalaan na kailangang magtipid. Base sa assessment ng gobyerno ay aabot sa P5. 3 bilyong piso sa unang taon ang maisusubi at aabot […]
-
Barko ng China sa West Philippine Sea, lumobo sa 251
LUMOBO na sa 251 ang bilang ng mga barko ng China na namataan sa West Philippine Sea bunsod ng mga militia vessels na nakapaligid sa kinaroroonan ng BRP Sierra Madre. Ayon sa report ng Philippine Navy, umaabot na sa 251 China Coast Guard (CCG) ships, People’s Liberation Army-Navy (PLA-N) warships at Chinese maritime […]