Mga advocacy groups tutol sa pagtatayo ng P95B Pasig River Expressway
- Published on October 1, 2021
- by @peoplesbalita
Maraming advocacy groups ang tutol sa pagtatayo ng P95 Billion na Pasig River Expressway (PAREX) na siyang tinutulak ng San Miguel Corp. (SMC).
Isa na rito ang advocacy group na AltMobility PH na siyang nagsabing mas magiging malala ang kondisyon ng trapiko sa Metro Manila kaysa mababawasan ito.
“In order for us to decongest our roads, we need to provide infrastructure that will reduce car dependence, a transport environment was taking public transportation, biking or walking are not inferior modes of transport – in fact, the preferred mode of transportation. Yet, for as long as I can remember, we have been building and widening roads, building flyovers, but still end up stranded on the road – PAREX will continue this cycle,” wika ni Ira Cruz, director at transport advocacy ng AltMobility.
Ayon naman sa Move As One Coalition, ang PAREX ay siya pang magiging sanhi upang maging malala ang situasyon ng trapiko sa metropolis sapagkat mas dadami ang gagamit nito. Mas lalakas ang demand dahil sa pagtaas ng mga sasakyan na dadaan ng nasabing expressway.
Kung mayroon isang expressway na katulad ng PAREX na ang pangunahing adhikain na ang gagamit ay ang mga pribadong sasakyan, ang magiging epekto nito ay mas mahihikayat ang mga mayari ng mga pribadong sasakyan na dumaan dito kung kayat magiging sanhi ito ng pagsisikip sa Metro Manila.
Nangagamba rin ang mga advocacy groups na ito rin ang magiging sanhi ng mas malalang air pollution sa Metro Manila kung saan magkakaron pa ng air pollution-related deaths ang mga tao.
Kung kaya’t nanawagan si Architect at environmental planner Leandro Poco na magkaron muna ng masinsinang pag-aaral sa magiging epekto nito sa mga kalusugan ng mga tao.
Ang iba namang mga planning advocates, pro-sustainability architects, at concerned citizens ay tumututol din sa proposal na ito dahil sa sinabing ang Pasig River ay isang importanteng ruta ng transportasyon noong Spanish colonial period pa at isang makasaysayang lugar na dapat ay ingatan at mapangalagaan.
“We have expressed objection to the project because the Pasig River was once an important transport route during the Spanish colonial period and it was an important piece of heritage that need to be preserved and rehabilitated. The Pasig River is the setting of may Filipino works of art, music, and literature,” saad ng advocacy groups.
Ayon naman kay Paolo Alcazaren, ito ay “lipstick on a pig” dahil ang mga bike lanes at BRTs na ilalagay sa 6-lane skyway upang matakpan ang Pasig River ay hindi rin naman makakabuti at hindi rin malulutas ang matinding trapik sa metropolis. Dagdag pa ni Alcazaren na hindi nito matutugunan ang problema ng trapiko dahil magkakaron ng induced demand at mawawala rin ang historical aspect ng Pasig River. Maglalaho rin ang cooling effect na binibigay ng Pasig River at ang open space kapalit ng kita mula sa nasabing expressway.
Samantala, pinagtangol naman ni SMC president Ramon Ang ang mga alegasyon ng mga grupo at sinabing puro kasinugalingan ang mga ito.
“Those leading others to denounce the project are manipulative and single-minded in their goal of creating distrust for PAREX for their own agenda. On the issue of number of vehicles, it will continue to rise nonetheless, with or without the upcoming project. Traffic and pollution will worsen if we do not build efficient, multi-purpose, future-ready infrastructure such as PAREX,” sabi ni Ang.
Ang proyektong ito ay kasama sa programa na Build Build Build ng pamahalaan kung saan ito mayrong 19.37 kilometers na haba at my construction table na 36 na buwan.
Magkakaron ito ng six-lane elevated expressway na dadaan sa kahabaan ng baybayin ng Pasig River, mula sa Radial Road 10 sa Manila hanggang C-6 Road o sa South East Metro Manila Expressway sa Taguig.
Ang PAREX ay isang integrated elevated road network na magdudugtong sa north, south, east at west corridors ng Metro Manila. Kapag tapos na ang proyekto, ito ay inaasahan na makakatulong upang mababawasan ang travel time mula Manila papuntang Pasig ng 15 hanggang 20 na minuto. LASACMAR
-
NCR Plus bubble, posibleng isailalim sa GCQ- Sec. Roque
MAAARING ilipat sa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila at apat na kalapit- lalawigan na mas kilala bilang “NCR Plus bubble” matapos ang Mayo 14, 2021. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, batay sa “formula,” gaya ng health care utilization rate, daily attack rate, at reproduction number, posible na isailalim sa GCQ ang […]
-
Mga pulis na may mga kamag-anak na kandidato sa May 2022 polls ni ‘re-assign’ sa ibang lugar – PNP chief
SINIMULAN na ng Philippine National Police (PNP) ang pag re-assign sa kanilang mga Police personnel na may mga kamag-anak na kandidato sa May 2022 national and local elections. Ayon kay PNP Chief Gen. Dionardo Carlos, ang nasabing hakbang ay para maiwasan na masangkot sa partisan politics ang kapulisan. Sinabi pa ni […]
-
Ads June 28, 2024