• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga ahente ng NBI, tinangkang suhulan ng bisor ng 7 Chinese nationals

TINANGKA  umanong manuhol ang supervisor ng 17 Chinese nationals na inaresto dahil sa scam operations para sa kanilang paglaya , sinabi ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago noong Miyerkules. 

 

 

Ayon kay Santiago, ang mga ahente ng NBI ay inalok ng halagang P300,000 bawat indibidwal, na umaabot sa P5.1 milyon, habang ibinabyahe  ang mga suspek na naaresto sa scam hub sa Parañaque.
“Tatawag daw siya ng abugado, so pinayagan siyang tumawag. It turned out na ang tinatawagan niya ‘yung mas bossing pa nila at ‘yun nga nag o-offer na ma-release itong 17 tao sa halagang… P300,000 each,” sabi ni Santiago .
Dahil dito, sinabi ni Santiago na nagsagawa ang NBI ng entrapment operation at nagkunwari’y pumapayag sa deal ng supervisor kung saan nagdala ng P1.5 milyon para sa unang batch.
Ayon kay Santiago, sa entrapment operation, minatyagan ang gamit na sasakyan upang makuha ang suspek at pinayagan din itong makapasok ng compound ng NBI kung saan nagkaroon ng maayos na entrapment at naaresto ang supervisor.
Sinabi ni Santiago na lahat ng 18 foreigners kabilang ang supervisor ay sumailalim na sa inquest . GENE ADSUARA 
Other News
  • COVID-19 outbreak sa Pinas, malabo

    MALABO umanong makaranas muli ang Pilipinas ng malakihang COVID-19 outbreak, sa kabila nang naitatalang pagtaas ng mga bagong kaso ng sakit nitong mga nakalipas na araw.     Ayon kay Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa, sa kanyang palagay ay hindi na mauulit pa ang COVID-19 outbreak na nakita noong kasagsagan ng pandemiya, kung […]

  • No cash aid para sa graduating students — DepEd

    NILINAW ng Department of Education (DepEd) na hindi ito nagbibigay ng “cash aid” lalo na sa mga graduating students.     “It’s unfortunate that there are still individuals or groups of individuals who are taking advantage of our schools, particularly in posting fake advisories claiming cash assistance from DepEd for graduates,” ayon kay DepEd Assistant […]

  • Pope Francis tiniyak na hindi niya kukunsintihin ang pang-aabuso ng mga pari

    TINIYAK ni Pope Francis na hindi niya kukunsintihin ang mga pang-aabusong sekswal ng ilang miyembro ng Simbahang Katolika.     Sinabi nito na hindi maaring ituloy ng isang pari ang pagiging pari kung siya ay nang-aabuso.     Itinuturing niya ito na “isang halimaw” ang mga pari na nag-aabuso sa mga kabataan.     Hindi […]