• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga atleta busy sa 1st quarter ng 2021

MAY 83 national athletes pala buhat sa 19 sports ang mga nangangarap  pang makahabol sa paglahok sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong lang ng Hulyo 2021 sanhi ng pandemyang Covid-19.

 

Ito ang napag-alaman ng OD kay Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch” Ramirez sa programa ng ahensiya kung saan karamihan sa mga manlalaro ay magba-bubble training na sa Inspire Sports Academy sa Calamba City, habang ang ilan ay nasa abroad naman.

 

Idinagdag ng opisyal na balak ng PSC na ipadala sa iba’t ibang Olympic Qualifying Tournament (OQT) sa abroad simula sa papasok na buwan, sa Pebrero o sa Marso.

 

May 29 na atleta at coaches mula sa tatlong combat sports na taekwondo, boxing at karate ang nasa radar ng government sports agency ang mga unang isali sa mga paligsahan makaraan ang 90 na araw na Calamba bubble training camp sa Laguna.

 

Ang boxing na may 16 katao’y popondohan na ng P2M habang ang karate tutustusan ng P1.5M at taekwondo na mayroong lima, gagastusan ng P1M sa bubble training.

 

Kumakatawan ang mga halaga para sa  room at lodging, meals, snacks, gym rentals at paggamit sa pasilidad ng National University ng Pamilyang Sy.

 

Ang iba pang mga manlalaro na pa-OQT ay sina karetakas Jamie Christine Lim at Joane Orbon, judoka Junna Tsukii, weightlifters Hidilyn Diaz, Kristel Macrohon at Vanessa Sarno, skateboarder Margielyn Didal at marami pang iba.

 

Sa kasalukuyan, apat pa lang Tokyo Olympics-bound nating mga kababayan. Sila ay sina pole vauler Ernest John Obiena na sa Italy, gymnast Carlos Edriel Yulo ng nasa Japan, nasa Estados Unidos na boxer Eumir Felix Marcial at bopksingerang nasa Iloilo na si Irish Magno.

 

Buhat po sa pitak na ito, good luck sa ating mga athlete. (REC)

Other News
  • ‘Middleman’ sa Percy Lapid killing, namatay sa Bilibid

    PATAY  na ang sinasabing ‘middleman’ at kumontak sa self-confessed gunman na si Joel Escorial at tropa nito upang likidahin ang broadcaster na si Percival Mabasa o Percy Lapid ng DwBL.     Kinumpirma ni Justice Secretary Crispin Remulla na Oktubre 18 pa ng hapon namatay si Crisanto Palana Villamor, na kilala rin bilang ‘Idoy” na […]

  • Julia, okay na after na mabiktima ng fake news na ‘preggy’

    SI Julia Barretto ang latest Star Magic talent na lumipat sa Viva Artist Agency.   Sa zoom presscon na ginanap noong Miyerkoles, winika ng dating ABS-CBN star na maganda ang inilatag na career plan ng Viva para sa kanya.   “They laid a very good plan for me and they wanted to help me out. […]

  • Psalm 34:8

    The Lord is good.