• March 22, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga atleta busy sa 1st quarter ng 2021

MAY 83 national athletes pala buhat sa 19 sports ang mga nangangarap  pang makahabol sa paglahok sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong lang ng Hulyo 2021 sanhi ng pandemyang Covid-19.

 

Ito ang napag-alaman ng OD kay Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch” Ramirez sa programa ng ahensiya kung saan karamihan sa mga manlalaro ay magba-bubble training na sa Inspire Sports Academy sa Calamba City, habang ang ilan ay nasa abroad naman.

 

Idinagdag ng opisyal na balak ng PSC na ipadala sa iba’t ibang Olympic Qualifying Tournament (OQT) sa abroad simula sa papasok na buwan, sa Pebrero o sa Marso.

 

May 29 na atleta at coaches mula sa tatlong combat sports na taekwondo, boxing at karate ang nasa radar ng government sports agency ang mga unang isali sa mga paligsahan makaraan ang 90 na araw na Calamba bubble training camp sa Laguna.

 

Ang boxing na may 16 katao’y popondohan na ng P2M habang ang karate tutustusan ng P1.5M at taekwondo na mayroong lima, gagastusan ng P1M sa bubble training.

 

Kumakatawan ang mga halaga para sa  room at lodging, meals, snacks, gym rentals at paggamit sa pasilidad ng National University ng Pamilyang Sy.

 

Ang iba pang mga manlalaro na pa-OQT ay sina karetakas Jamie Christine Lim at Joane Orbon, judoka Junna Tsukii, weightlifters Hidilyn Diaz, Kristel Macrohon at Vanessa Sarno, skateboarder Margielyn Didal at marami pang iba.

 

Sa kasalukuyan, apat pa lang Tokyo Olympics-bound nating mga kababayan. Sila ay sina pole vauler Ernest John Obiena na sa Italy, gymnast Carlos Edriel Yulo ng nasa Japan, nasa Estados Unidos na boxer Eumir Felix Marcial at bopksingerang nasa Iloilo na si Irish Magno.

 

Buhat po sa pitak na ito, good luck sa ating mga athlete. (REC)

Other News
  • DPWH: CALAX malaking tulong upang mabawasan ang trapiko sa Calabarzon

    Nagkaron ng inagurasyon at ceremonial opening noong nakaraang buwan ang Cavite-Laguna Expressway (CALAX) Sub-section 5 mula sa Silang East Interchange papuntang Sta.Rosa-Tagaytay Interchange sa Cavite na may tinatayang 5,000 na motorista ang gagamit at dadaan sa nasabing expressway.       “While this pandemic may have slowed down and disrupted the implementation of projects, the […]

  • Department of Tourism, nakikitang papalo sa 2.4 million ang overseas visitors arrivals sa katapusan ng 2022

    NAKIKITANG papalo pa sa 2.4 million ang overseas visitors arrivals sa Pilipinas sa katapusan ng kasalukuyang taon ayon sa pagtaya ng Department of Tourism (DOT).     Kaugnay nito, sinabi din ni Tourism chief Christina Frasco na pinalakas pa ng DOT ang kanilang efforts para sa pag-promote ng Pilipinas sa ibat’ ibang mga bansa para […]

  • VCMs at mga balotang gagamitin sa May 9 polls, nai-deliver – Comelec

    NAI-DELIVER na sa lahat ng polling precincts ang mga vote counting machines (VCMs) at official ballots na gagamitin sa May 9 elections.     Sinabi ni Comelec Commissioner Aimee Ferolino na maliban sa mga VCMs at balota ay naipadala na rin ang mga ballot boxes, Broadband Global Area Network at Consolidated Canvassing System (CSS) kits […]