• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga atleta maaring mabakunahan sa Mayo, Hunyo – CDM Fernandez

TINATAYA ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Ramon Fernandez, na posibleng maineksiyunan na sa Mayo-Hunyo ang mga national athlete para makabalik na sa normal o regular training.

 

Naging reaksiyon ito ng 67-anyos, may taas na 6-4 at tubong Maasin City pagkatalaga sa kanya nitong Martes, Hunyo 12 ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham Tolentino bilang Team Philippines chef-de-mission para sa para sa 31st Southeast Asian Games 2021 Hanoi, Vietnam sa Nobyembre 21-Disyembre 2.

 

“We will plan things out. I hope that by May or June, our athletes will be vaccinated so they can resume their regular training,’’ komento ni Fernandez, na aasistehan sa paghahanda sa national delegations ng dalawang deputy CDM buhat sa National Sports Associations (NSAs).

 

Itinanghal na overall champion ang Pinoy athletes sa 30th SEA Games Philippines 2019 sa nakamit na 149 gold medals laban sa 10 iba pang kalahok na bansa sa Timog-Silangang Asya.

 

Sanhi ng epekto ng Covid-19 ang mga manlalaro ng bansa mula pa noong Marso 2020, pinupuntirya ni Tolentino ang top three finish para sa ngayong edisyon. (REC)

Other News
  • 3-million initial vaccines ang ni-rehistro ng Pilipinas vs COVID-19: DOST

    Tatlong milyong bakuna laban sa COVID-19 ang ni-rehistro ng Pilipinas sa pagsali nito sa COVID-19 Vaccines Global Access (COVAX) Facility, ayon sa Department of Science and Technology (DOST).   Sa Malacanang briefing, sinabi ni Science Sec. Fortunato de la Peña na ang naturang bilang ay minimum requirement para sa subscription sa nasabing pasilidad. Katumbas daw […]

  • Travel restrictions na nakataas sa mahigit 30 bansa, magtatapos na sa Enero 31; hindi na pinalawig ng Pilipinas- Sec. Roque

    NAGDESISYON ang Pilipinas na hindi na palawigin pa ang travel restrictions sa mga dayuhan mula sa mahigit 30 bansa na nakapagtala ng kaso ng bagong coronavirus variants.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na mananatili na lamang ng hanggang Enero 31, 2021 ang nasabing travel restriction at nakatakdang magtapos sa nasabing petsa.   Gayunpaman, […]

  • Aminadong ‘di madali ang mag-pursue ng career sa Hollywood: Fil-Canadian na si ALEX, masuwerteng nakatrabaho si RYAN REYNOLDS

    MASUWERTE ang Filipino-Canadian actor na si Alex Mallari Jr. dahil nagkaroon siya ng pagkakataon na makatrabaho ang aktor na si Ryan Reynolds sa Netflix sci-fi adventure film na The Adam Project.     Ginagampanan ni Mallari ang role ng kontrabidang si Christos at pinakita sa isang fight scene with Reynolds ang paggamit ng arnis sticks […]