• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga atleta na nagwagi sa Tokyo Olympics nakuha na ang mga cash incentives

PINARANGALAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga atletang Filipino na lumahok sa 2020 Tokyo Olympic Games.

 

Binati ng Pangulo sina Hidilyn Diaz, Nesthy Petecio, Carlo Paalam at Eumir Marcial para sa pagdadala ng karangalan sa bansa at iangat ang diwa ng mga Filipino sa gitna ng coronavirus pandemic.

 

“Your hard work, dedication and sportsmanship, even amidst the challenges in your training and competitions prior to the Olympics, are truly inspiring,” ayon kay Pangulong Dutere sa kanyang naging talumpati sa isinagawang Awarding of Incentives to Tokyo Olympics 2020 Philippine Athletes sa Malacañan, Palace, Lunes ng gabi.

 

“I am confident that you will get better and stronger in securing more victories in the future. Your success will continue to motivate many aspiring athletes and our Filipino youth to channel their energies into sports and other productive activities, keeping them away from the harmful vices,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

 

Iginawad kina Petecio, Paalam at Marcial ang Order of Lapulapu na may ranggong Kamagi. Nabigyan si Diaz ng Presidential Medal of Merit, P10 milyon na nakasaad sa Republic Act 10699, karagdagang P5 milyon para sa pagbasag sa Olympic record, P3-M cash incentive mula sa Office of the President at ang certificate ng housing unit mula sa National Housing Authority.

 

 

Habang sina Paalam at Petecio ay nabigyan ng tig-P5 milyon na nakasaad sa RA 10699 at P2-M mula sa Officde of the President.

 

 

Mayroon namang P3-M na ibinigay kay Marcial na nakasaad sa batas at karagdagang P1-M na cash mula sa office of the President.

 

 

Ilang mga atleta na sumabak sa Tokyo Games ay nabigyan ng tig-P200,0000, Presidential Citation kung saan personal din itong tinanggap nina Elreen Ando ng weightlifting at shooter Jayson Valdez.

 

 

Sa kabilang dako, pinasalamatan naman ng Pangulo ang Philippine Olympic Committee (POC) at Philippine Sports Commission (PSC) sa pagtiyak na handa ang mag atletang Filipino na sumabak at lumaban sa Tokyo Olympics.

 

Tiniyak ng Chief Executive na nananatili silang committed sa pagbibigay ng buong suporta sa mga atletang Filipino.

 

Dahil dito, hinikayat niya ang POC, PSC at iba pang sports bodies na patuloy na magbigay ng kinakailangang tulong sa mga aleta sa piling antas at matamo ang kagalingan.

 

‘The strength and excellence of our athletes in the international sports arena demonstrate the Filipino spirit of resilience and determination to succeed,” ayon sa Pangulo sabay sabing “Our Tokyo 2020 medalists and Olympians truly embody our greatness as a people and as a nation.”

 

Gayundin, pinasalamatan ng Pangulo si Japanese Ambassador Kazuhiko Koshikawa para sa matagumpay na hosting ng Japan sa Olympics at hangad nito ang tagumpay pa rin ng nalalapit na Paralympic Games.

 

Samantala, nakatanggap din ng Order of Lapulapu na may ranggong Kamagi ang mga Filipino boxers kasama na si 1996 Olympics silver medalist Mansueto “Onyok” Velasco.

 

Ang Order of Lapu-Lapu ay ibinibigay sa tao sa gobyerno o pribadong sektor na nagbigay ng kanyang extraordinary service o nakagawa ng hindi matatawarang kontribusyon sa naging tagumpay ng kampanya o adbokasiya ng Pangulo. (Daris Jose)

Other News
  • Pinas, nagtalaga ng first envoy sa Morocco makaraan ang tatlong dekada

    MATAPOS ang 30 taon, muling binuksan ang Philippine Embassy sa Morocco kasama ang bagong envoy sa layong palakasin ang relasyon sa North African state.     Si Philippine ambassador to Morocco Leslie Baja, first Philippine envoy sa Rabat matapos ang tatlong dekada ay dumating noong Mayo 2021, isang taon matapos na buksan ang chancery noong […]

  • Ads February 12, 2021

  • Ipalalabas in time sa Chinese New Year: KIMSON, bida sa international film na ‘King of Hawkers’

    INTERNATIONAL star na ang GMA male artist na si Kimson Tan, bida siya foreign film na ‘King of Hawkers’.   “I auditioned, with the help of Ms. Joy Marcelo, Ms. Gigi Lana Santiago,” kuwento sa amin ni Kimson.   Ang ‘King of Hawkers’ ay produced ng international production na Kelvin Sng Productions.   Pagpapatuloy pang […]