Mga atleta tuturuan sa paggasta’t pag-iimpok
- Published on October 17, 2020
- by @peoplesbalita
MAKALIPAS pangunahan ang Team Philippines sa 2019 Southeast Asian Games Championship, tuturuan naman ng Philippine Sports Commission o PSC sa tamang pamumuhay para sa magandang kinabukasan ang mga atleta buhat sa mga pinaghirapan nilang kinita.
Magsasagawa ang government sports agency ng two-day financial literacy online seminar and workshop para sa national athletes at coaches sa Oktubre 29-30 kasama si renowned Reg- istered Financial Planner (RFP) at journalist Salve Duplito.
“We believe this financial literacy webinar is very timely in this time of Covid-19. We want to encourage all our national athletes, coaches and our employees to start their journey to financial wellness while they are young,” pahayag nito Miyerkoles ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez.
Dinagdag niyang lubhang masakit para sa kanya na magaya ang iba sa ilang mga manlalaro na mga naghikahos sa buhay nang magkaedad gayung limpak na salapi ang mga nahawakan sa kabataan. (REC)
-
Trump, nagbantang dudulog sa Supreme Court; inireklamo ang ‘pandaraya’ ng Biden camp
INAKUSAHAN ni US President Donald Trump ang mga Democrats na sinusubukan ng mga ito na “magnakaw” ng isang panalo. Ayon kay Trump, pinagha-handan na nila ang isang malaking pagdiriwang dahil naniniwala siyang siya ang mananalo sa halalan ngunit bigla itong nawala dahil sa pandaraya umano na ginawa ng kampo ng kanyang katunggali na si […]
-
Pinatutupad na NCR Plus bubble, hindi nangangahulugan ng kawalan ng ayuda ng gobyerno
SINABI ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang ipinatutupad ngayon na polisiya na National Capital Region (NCR) Plus bubble ay hindi nangangahulugan na kawalan na ng ayuda ng pamahalaan. Ang NCR Plus bubble ay polisiya na naglilimita sa galaw ng essential travel subalit hinahayaan ang mga negosyo na mag-operate sa gitna ng pagtaas ng […]
-
Int’l travelers bumaba ng 95% mula nang mag-lockdown
Bumaba ng 95 porsyento ang bilang ng mga international passenger na pumasok at lumabas ng bansa mula nang magsimula ang COVID-19 lockdown nitong Marso, kumpara sa kaparehas na panahon noong 2019, ayon sa Bureau of Immigration (BI). Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, mahigit sa 96 porsyento ang ibinaba ng international arrivals at 95 […]