• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga atletang sasabak sa Tokyo Olympics, SEA Games ipinapasama sa COVID-19 vaccination program

Hinihimok ni House Deputy Speaker Mikee Romero ang pamahalaan na isama sa mga prayoridad sa COVID-19 vaccination program ang mga atletang Pinoy na sasabak sa Tokyo Olympics at 2021 Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

 

 

Ang mungkahi na ito ni Romero ay nakapaloob sa inihain niyang House Resolution No. 1507, kung saan nananawagan ito sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases at sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na ituring bilang “frontliners” ang mga atleta upang sa gayon ay mapasama ang mga ito sa priority list nang mga mabibigayan ng bakuna kontra COVID-19.

 

 

Magugunita na sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na balak ng pamahalaan na bakunahan ang 50 million hanggang 70 million katao sa loob ng isang taon at masimulan ang pagbabakuna sa Pebrero 20.

 

 

Base sa vaccination roadmap ng pamahalaan, ang mga health workers at frontliners ang siyang unang makakatanggap ng bakuna, na susundan ng mga empleyado sa ilang piling opisina ng pamahalaan at mahihirap na senior citizens.

 

 

Pero sa kanyang resolusyon, sinabi ni Romero na ang mga national athletes ay sasailalim sa qualifying stages ng Tokyo Olympics at SEA Games sa Abril at Mayo 2021.

 

 

Kaya mahalagang maisama aniya ang mga ito sa priority list nang mabibigyan ng mga bakuna sa lalong madaling panahon para makibahagi ang mga ito sa qualifying stages. (REC)

Other News
  • MAHIGIT 100 POLICE TRAINEE, IDIDEPLOY NG MPD

    MAHIGIT na  100  na police trainee ang idineploy ngayon sa Manila Police District (MPD)  bilang bahagi ng kanilang aktwal na pagsasanay.     Ayon sa MPD, umaabot sa 108 na police trainee mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ang ipapakalat ng MPD sa lahat ng 14 na police station nila sa lungsod.   […]

  • 2 pang quarantine facilities binuksan ni Yorme Isko

    MAY dalawa pang quarantine facilities ang binuksan, kahapon ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, bilang paghahanda sa posibleng 2nd wave ng COVID19 sa Maynila.   Ayon kay Moreno,kasama niya si Vice Mayor Honey Lacuna sa inagurasyon ng pinalawak na San Andres Sports Complex quarantine facility, na susundan pa ng pagbubukas ng katulad ding pasilidad […]

  • Kakantahin ang first Christmas song: JK, may paandar na pangangaroling sa kanyang fans

    TUNGKOL sa male singers ang column items natin for today.   Una ay si Juan Karlos o JK Labajo.   Paandar ang pangangaroling ni JK ngayong Pasko sa kanyang fans, huh!   At hindi ito drowing dahil tinotoo niya na sinimulan niya sa isang senior citizen na masugid na tagahanga ni JK.   Bago pa […]