Mga bagets, mabibigyan ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines
- Published on June 1, 2021
- by @peoplesbalita
TINIYAK ng Malakanyang na mabibigyan ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines ang mga teenager o mga bagets sa oras na maging available na ang suplay.
Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay matapos na ihayag ng Philippine Food and Drug Administration (FDA) na nakatakdang i- modify o baguhin ang emergency use authorization (EUA) na ipalalabas sa Pfizer-BioNTech para payagan na mabakunahan ang 12 hanggang 15 taong gulang kasunod ng positive evaluation mula sa FDA team.
“Well, inaasahan po natin na kapag dumating iyong ating mga biniling Pfizer ay pupuwede naming makonsidera rin ang ating mga kabataan,” ayon kay Sec. Roque.
“Dahil sa ngayon ang only one authorized by the FDA is Pfizer, eh inaasahan po natin na kahit papaano, kapag dumating na iyong biniling Pfizer mag-a-allocate tayo para sa mga kabataan,” dagdag na pahaag nito.
Nauna rito, sinabi ni Vaccine czar Carlito Galvez Jr. na bumii ang Pilipinas ng 40 million doses ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines, subalit ang delivery nito ay hindi pa madetermina kung kailan.
Sinabi naman ni Health Secretary Francisco Duque III na ang mga bagets o teenager ay hindi maaaring ikunsidera sa vaccination program dahil ang mga nakabinbing suplay ay para sa frontliners, essential workers at general population.
Base sa pagsusuri ng Philippine FDA, ang Pfizer-BioNTech ay mayroong efficacy rate na 95% sa study population at 92% sa buong races o lahi.
“These rates are the highest among the COVID-19 vaccine brands issued emergency use authorization (EUA) by the Philippine Food and Drug Administration which include Pfizer-BioNTech AstraZeneca, Sinovac, Janssen, Moderna, Covaxin and Sputnik V,” ayon sa ulat. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Drug war victims, walang nakikitang katarungan sa ilalim ng administrasyong Marcos – ICC
DUDA ang pamilya ng drug war victims na magkakaroon ng progreso ang kaso na may kinalaman sa kontrobersiyal na anti-drug campaign ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Dahil dito, nanawagan ang mga ito sa International Criminal Court (ICC) na ituloy lamang ang imbestigasyon sa nasabing anti-drug campaign ng nakalipas na administrasyon. […]
-
PAGHAHAIN NG COC SA BSKE SA HULYO
MAPAPAAGA ang paghahain ng filing of candidacy para sa Barangay at Sanggunian Kabataan election (BSKE). Sinabi ni Comelec chairman George Garcia na posibleng isasagawa sa buwan ng Hulyo ang maagang paghahain ng COC para malutas ang mga kaso ng disqualification . Itinakda ang BSKE sa Oktubre 2023. Ayon kay […]
-
Kelot isinelda sa baril sa Caloocan
HIMAS-REHAS ang isang lalaki matapos makuhanan ng hindi lisensyadong baril sa bisa ng ipinatupad na search warrant ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek bilang si Eduardo Ocampo Jr alyas “Jun Tattoo” ng Block 25, Lot 24 Madrid Street Tierra Nova, […]