Mga bakunang dinevelop ng Pfizer at Gamaleya, ide-deliver na sa bansa
- Published on January 16, 2021
- by @peoplesbalita
INAASAHANG made-deliver sa Pilipinas sa susunod na buwan ang mga bakunang dinevelop ng Pfizer at Gamaleya Research Institute.
Tiniyak ng Malakanyang sa publiko na walang “favoritism’ sa pagbili ng tinaguriang potentially life-saving doses.
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, ang maliit na volume ng bakuna ay magmumula sa Pfizer.
Wala namang ibinigay na detalye si Sec. Roque sa bilang o dami ng doses na manggagaling naman mula sa Gamaleya, na nag-develop sa Sputnik V vaccine.
Nauna rito, sinabi ni Sec. Roque na tanging ang vaccine doses mula China’s Sinovac ang tanging available para sa mga Filipino hanggang Hunyo dahil ang Western brands ay hindi kaagad available.
“Hindi naman ibig sabihin na palibhasa papasok na ang Sinovac sa Pebrero, titigil na tayo ng effort na makaangkat pa ng ibang bakuna galing sa ibang mga manufacturers. So, pagdating po ng Pebrero, hindi lang 50,000 [doses mula sa] Sinovac ang available,” ani Sec. Roque.
Binigyang diin ni Sec. Roque na ang tanging bakuna na inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang gagamitn para sa mass inoculation program.
“So far, only Pfizer received an emergency use authorization for its vaccine. Uulitin ko po, wala tayong favoritism,” ayon kay Sec. Roque.
Samantala, ang Gamaleya at Sinovac’s EUA applications ay nananatiling nakabinbin sa FDA.
Sinabi ni Vaccine czar Carlito Galvez Jr. na ang Sinovac’s EUA application ay aaprubahan sa Pebrero 20. (Daris Jose)
-
Ads June 13, 2024
-
DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 40) Story by Geraldine Monzon
NAGSIMULA na ang welcome party para kay Bela. Kulang ang kanyang pagdiriwang kung hindi darating ang itinuring na niyang pangalawang ina. Subalit wala ito sa hanay ng mga naroon. Sa halip, ang natagpuan ng kanyang mga mata ay ang isang tao na hindi niya inaasahan na makakarating doon…nakatayo sa pintuan bakas ang pagkagulat sa mukha […]
-
Pilipinas at China, walang tensyon sa WPS
SA KABILA ng incursions at mga protesta, iginiit ng Malakanyang na walang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China kaugnay sa usapin ng West Philippines Sea. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, ang tensyon ay nasa isip lang ng mga kritiko ng administrasyon partikular na ng oposisyon. “Wala akong nakikitang tension. Ang tension […]