• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga bansa sa buong mundo nagpataw ng global sanction sa Russia dahil sa pagsalakay nito sa Ukraine

NAGPAPATAW ngayon ng bagong mga parusa ang iba’t-ibang bansa sa buong mundo laban sa Russia dahil sa pagsalakay nito sa Ukraine.

 

 

Ang European Union, Japan, Australia, New Zealand, at Taiwan ay pare-parehong pinatawan ng bagong injunction ang Moscow, Russia bilang pagkondena sa naging paglusob ng militar nito.

 

 

Sinabi ni European Commission President Ursula von der Leyen at French president Emmanuel Macron na kabilang sa target ng kanilang mga ipapataw na sanction ay ang financial, energy, at transport sector ng Russia.

 

 

Kabilang naman ang freezing of assets ng ilang Russian individuals at financial institutions habang ipagbabawal din ang exporting sa Russia mula sa bansang Japan ayon kay Japanese Prime Minister Fumio Kishida.

 

 

Ayon naman kay Australian Prime Minister Scott Morrison, nakikipagtulungan na rin ang kabisera ng Australia na Canberra sa Estados Unidos sa pagpapataw pa ng karagdagang kaparusahan sa mga oligarko.

Other News
  • Mga atleta sasailalim sa 2 drug test bawat taon

    PAPASADO na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa ikatlo’t huling pagbasa ang panukalang magpapalakas sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (Republic Act 9165) para masugpo ang bawal na gamot sa paggamit.     Kumikom ng boto ang House Bill 7814 ng 188 ang pabor, 11 ang mga tumutol at 11 naman ang abstention sa […]

  • 114 NAVOTENOS NAKUMPLETO ANG TECH-VOC COURSES

    Nakumpleto ng nasa 114 Navoteños ang iba’t-ibang technical and vocational courses mula sa Navotas Vocational Training at Assessment (NAVOTAAS) Institute.     Sa bilang na ito, 36 ang nakumpleto ang Japanese Language at Culture I habang 12 naka-graduated mula sa Japanese Language at Culture II program. Labing limang sa mga graduates naman ay natapos ang […]

  • Cardinal Advincula natanggap na ang pallium mula kay Pope Francis

    Natanggap na ni Manila Archbishop Cardinal Jose Fuerte Advincula ang pallium na mula kay Pope Francis.       Pinangunahan ni Apostolic Nuncio to the Philippines Most. Rev. Charles Brown ang pagkakaloob ng pallium kasabay ng misa sa Minor Basilica of the Immaculate Conception o kilala bilang Manila Cathedral sa Intramuros, Maynila.       […]