Mga barangay chairman na pabaya sa pagkalat ng COVID-19 ipapaaresto na – Duterte
- Published on May 28, 2021
- by @peoplesbalita
Muling ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kapulisan na arestuhin ang mga punong barangay na bigong pagbawalan ang mga nagaganap na mass gathering para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Sinabi ng pangulo, isang pagpapabaya sa mga sinumpaang tungkulin ng punong barangay kapag hahayaan lamang magkaroon ng hawaan ng virus.
Dagdag pa ng pangulo, dadalhin ng mga kapulisan ang mga maaarestong barangay kapitan at iimbestigahan sa kanilang kapabayaan.
Hindi rin naitago ng pangulo ang kaniyang pagkadismaya na maraming mga punong barangay ang nagiging pabaya na hinahayaan lamang ang mga nagaganap na pagtitipon.
“Pakulong ko kayo, I will look for a suitable law because you are forcing my hand. Ayaw ninyo, pasaway, e. ‘Yan ang problema ko sa Filipino… Napipilitan ako. Magtrabaho kayo if you really are worth your status there. Kung ayaw ninyo, umalis kayo,” wika pa ng pangulo. (Daris Jose)
-
Construction ng bagong Navotas Polytechnic Collage, sinimulan na
INANUNSYO ni Navotas City Congressman John Rey Tiangco na sinimulan na ang construction ng bagong four-story building ng Navotas Polytechnic Collage (NPC) para lalo pang maitaas ang antas ng de-kalidad na edukasyon ng bawat kabataang Navoteño. Ayon kay Cong. Tiangco, ang bagong pinagandang NPC na may roof deck ay magkakaroon ng 28 classrooms, […]
-
Isa sa mga dahilan kung bakit nag-retire na sa showbiz: DEREK, anak na talaga ang turing kay ELIAS at ‘di stepson
“I adore this boy. I hate using the word stepson, I think he’s my son,” ang bulalas ni Derek Ramsay nang nakausap namin kamakailan sa SamLo Cup fundraising golf tournament ng aktres na si Samantha Lopez. Ang tinutukoy ni Derek ay si Elias na anak ng dating magkarelasyon na sina John Lloyd Cruz […]
-
Mga pulis, natuklasan ang ‘kumplikadong mga daanan’, mga armas sa loob ng KOJC estate
NATUKLASAN ng kapulisan ang mga masalimuot na daanan, mga pampasabog, at iba pang nakamamatay na armas sa loob ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound sa Davao City sa nagpapatuloy na paghahanap sa kanilang lider na si Pastor Apollo Quiboloy. Ipinresenta ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin […]