• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga baril, bomba nahukay sa sugar mill ni ex-Governor Teves

IBA’T ibang uri pa ng mga baril at pampasabog ang nahukay ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa sugar mill ni dating Negros Oriental Governor Pryde Henry Teves kamakalawa ng gabi sa Sta. Catalina, Negros Oriental.

 

 

Gamit ang backhoe, sinabi ni CIDG legal officer Col. Thomas Valmonte, nahukay sa lalim na 10 feet ang mga baril, daan-daang live ammunitions at tatlong improvised explosive devices.

 

 

Ayon kay Valmonte, itinuro ng witness ang lugar ng pinagbaunan ng mga baril at explosives.

 

 

“Itong witness na ‘to, kasama siya sa nagbaon. Siguro nga, they expected for the search so binaon nila ‘yon,” ani Valmonte.

 

 

Itinuturo rin aniya ng witness na si Teves ang nag-utos na ibaon ang mga baril.

 

 

Ang lahat ng ebidensiya na natagpuan at nakumpiska ay nasa 50 ektarya na pag-aari ni Henry Teves na tumatayong presidente ng korporasyon na HDJ Tolong.

 

 

Bunsod nito, nakikita ni Valmonte ang anggulo na terorismo sa pag-iimbak ng mga baril at pampasabog.

 

 

“’Yung pampasabog, actually, when you possess it, you are intending to use it, definitely, kasi ina-assemble ‘yan eh saka hindi naman biro ang bumili ng mga explosive powder so we are looking into angle of acts of terrorism here,” dagdag pa ni Valmonte.

 

 

Indikasyon din ito ng CTGs at iba pang terrorist group mula sa Central Mindanao.

 

 

Biyernes nang si­mulan ang pagsalakay sa bahay ni Teves sa bisa ng search warrant dahil sa paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunitions Regulation Act.

 

 

Itinanggi naman ni Teves ang akusasyon sa pagsasabing mayroong 200 pamilya ang naninirahan sa loob ng compound. Magsasagawa rin siya ng internal investigation sa korporasyon.

 

 

Sinabi naman ni PNP Spokesman Col. Jean Fajardo, sasai­lalim sa cross matching at ballistics examinations ang mga nakum­piskang mga baril, bala at mga slugs.

 

 

“Napakarami na pong mga killings and shooting incidents na nangyari diyan sa probinsya ng Negros Oriental kaya magba-backtracking na po tayo ngayon,” ani Fajardo.

 

 

Hanggang sa nga­yon ay nagpapatuloy ang raid kung saan may nahukay pang mga baril sa ibang lugar.

 

 

Napatalsik si Teves matapos na paboran ng Commission on Elections (Comelec) ang pagkapanalo ni Gov. Roel Degamo noong May 2022 elections. (Daris Jose)

Other News
  • CHERIE, ‘di pa rin malinaw ang rason kung bakit ‘di tinapos ang taping sa ‘Legal Wives’

    NAGING topic ang pag-alis ni Ms. Cherie Gil at hindi na niya tinapos ang last cycle ng GMA Network Primetime cultural drama na Legal Wives na nagtatampok sa kanya at kina Dennis Trillo, Alice Dixson, Bianca Umali at Andrea Torres, sa direksyon ni Zig Dulay.      Walang sinabing reason si Cherie bakit niya hindi tinapos ang serye, […]

  • Pabata nang pabata ang kanyang nakaka-partner: CARLO, bata pa lang ay hinangaan na ni EISEL at na-starstruck nang makita

    SA mediacon na ginanap sa Kamuning Bakery, litaw na litaw pa rin kaguwapuhan ni Carlo Aquino na bida sa “Love You Long Time” na kung saan makatatambal niya ang baguhang young actress na si Eisel Serrano.     Infairness, parang hindi tumatanda ang 37 years old na award-winning actor at celebrity endorser ng Beautederm, kaya […]

  • Sim cards, obligado nang iparehistro

    GANAP  nang batas ang pagpaparehistro ng sim card, matapos itong lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ngayong umaga sa Malacanang.     Sa kanyang mensahe, sinabi ng pangulo na matagal na dapat itong naisabatas.     Isa aniya itong epektibong paraan ng pag-regulate ng mga sim card na karaniwang ginagamit sa mga panloloko o spam […]