Mga bikers na walang suot na helmet sa Kyusi pag mumultahin na
- Published on October 17, 2020
- by @peoplesbalita
NAGSIMULA na kahapon ang pag-iral ng ordinansa sa Quezon City na nag-aatas ng mandatory na pagsusuot ng bike helmet.
Sa ilalim ng City Ordinance No. SP-2942 o Mandatory Wearing of Bike Helmet, ang mahuhuling lalabag ay pagmumultahin ng P300 para sa 1st offense, P500 sa second offense at P1,000 sa third offense.
Bago ang pag-iral ngayong araw ng ordinansa ay namahagi ng libreng helmet ang lokal na pamahalaan para sa mga biker sa lungsod.
Nagbigay din ang QC LGU ng libreng bike helmets sa Valenciana Riders Club upang maipamahagi sa kanilang mga miyembro. Ginawa ang nmatuirang ordinansa ng konseho ng Kyusi upang maprotektahan ang mga bike riders sa mga lansangan lalo na kapag nasangkot ito sa isang aksidenete sa daan. (Ronaldo Quinio)
-
SHARON, binuweltahan ang mga bashers na nanglait at nandiri; proud bilang Carmela sa ‘Revirginized’
PATULOY ngang pinag-uusapan ang ‘tequilla body shot’ scene nina Sharon Cuneta at Marco Gumabao para sa Revirginized ng Viva Films na mapapanood ngayong Agosto sa Vivamx. Noong isang araw lang, nag-trending ng almost six hours ang ‘Mega is Revirginized’ na umabot sa Top 9, kaya pinasalamatan ng Megastar ang kanyang mga Sharonians. […]
-
PDu30, maaaring bumuo ng independent task force para walisin ang korapsyon sa DPWH
MAAARING bumuo si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng isang independent task force para bunutin at walisin ang di umano’y korapsyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH). Nauna nang bumuo si Public Works Secretary Mark Villar ng task force na kinabibilangan ng mga DPWH officials para imbestigahan ang anomalya sa departamento kasunod ng […]
-
Duterte, tiniyak ang tulong sa pamilya ng mga nasawing sundalo sa C130 plane crash
Personal na binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Zamboanga City kung saan doon inihatid ang mga nasawi at sugatang sundalo dahil sa pagbagsak ng kanilang C-130 transport plane nitong nakalipas na Linggo. Nangako rin ang pangulo sa mga kaanak ng mga nasawing sundalo para sa ibibigay na mga tulong. Bilang aniya […]