• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga Bulakenyong magsasaka, makikinabang mula sa tatlong ‘solar-powered irrigation system’ ng DA-NIA

LUNGSOD NG MALOLOS – May 1,434 Bulakenyong magsasaka ang makikinabang mula sa nakumpletong tatlong solar pump irrigation na proyekto ng Department of Agriculture – National Irrigation Administration na inanunsyo sa ginanap na presentasyon ng Solar Irrigation Projects sa NIA Regional Office III sa Brgy. Tambubong, San Rafael, Bulacan noong Biyernes.

 

 

Ang nasabing tatlong proyektong irigasyon na may kabuuang pondong inilaan na P98.6 milyon ay matatagpuan sa Brgy. Sampaloc sa San Rafael at mga Brgy. Tibagan at Malamig sa Bustos.

 

 

Sinabi ni NIA Region III Regional Manager at concurrent OIC Deputy Administrator for Engineering and Operation Sector Inh. Josephine Salazar na ang nasabing pilot solar project sa Brgy. Sampaloc, San Rafael ay may mga solar panel na nakainstila sa ibabaw ng mga irrigation canal.  Pinapagaan nito ang epekto nang paggamit sa mga lupaing pangsaka para sa solar installation nang sa gayon ay mas maraming oportunidad ang mga magsasaka na magamit ang lupain para sa kanilang mga pananim upang lumago ang kita. Sa pamamagitan ng teknolohiyang ito na pinagsamang solar panel, pambomba, electronic controls para sa operasyon, kongkretong mga kanal, mga tangke ng tubig, conveyance structures, at pump houses, mas matipid na sistema kumpara sa mga de-gasolina na pambomba ang hatid nito sa mga magsasaka.

 

 

Buhat nang simulan ang operasyon ng Kapatiran Solar Pump Irrigation System, higit kalahati ng taunang konsumo sa elektrisidad ang nabawas.  Dahil sa naging tagumpay ng proyekto, dalawa pang katulad na modelo ang itinayo sa ibang lugar  – BUSPAN Solar Pump Irrigation System sa Brgy. Malamig at ANBUSPA Solar Pump Irrigation System sa Brgy. Tibagan, parehong nasa bayan ng Bustos.

 

 

“Irrigation is the backbone of agriculture. Together, let us continuously work as we support our President Ferdinand R. Marcos, Jr. on his agenda of achieving full food sufficient country bilang ito po ang kanyang top priority,” dagdag pa niya.

 

 

Gayundin, sinabi ni NIA Administrator Eduardo Guillen na makatutulong ang proyektong irigasyon sa pagbawas sa kagutuman at pagresolba sa problema ng implasyon o pagbaba ng halaga ng salapi.

 

 

Samantala, sa ngalan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, pinasalamatan ni Bise Gob. Alexis C. Castro ang NIA para sa paglulunsad ng nasabing malaking proyekto sa Bulacan.

 

 

“Nagpapasalamat po tayo dahil sa malaking tulong na ito sa mga magsasaka natin na mabiyayaan ng programang ito,” ani Castro.

 

 

Dumalo din sa okasyon upang magbigay ng kanilang suporta sina Tagapagsalita ng Kapulungan ng mga Kinatawan Ferdinand Martin Romualdez, mga miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan Edvic Yap, Erwin Tulfo, Elizaldy Co at Lorna Silverio, Punong Bayan ng San Rafael Mayor Mark Cholo Violago at iba pa.

Other News
  • Malakanyang, binuksan ang grounds sa publiko para sa Misa De Gallo, iba pang Christmas activities

    BINUKSAN ng Malakanyang sa publiko ang grounds nito para sa panahon ng Pasko kung saan ang lahat ay maaaring mag-enjoy ng iba’t ibang aktibidad kabilang na ang Misa De Gallo.       Nagsimulang buksan sa publiko ang palace grounds ngayong araw ng lunes, Disyembre 16 hanggang Disyembre 23, mula alas-6 ng gabi hanggang alas-11 […]

  • Wala nang walk-in sa educational ayuda – DSWD

    WALA nang mangyayaring walk-ins sa gagawing pamamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng educational assistance sa mahihirap na mag-aaral sa bansa lalo na sa Metro Manila.     Nagpayo si DSWD Sec­retary Erwin Tulfo  na sa mga nais maka­ku­ha ng cash assistance ay kailangang mag-register sa https://bit.ly/3dB9mSg o mag-email sa ciu.co@dswd.gov.ph.   […]

  • Motorcycle Lay-By o Emergency Lay-By sa EDSA, bukas na sa EDSA

    NAGBUKAS ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng motorcycle Lay-By o Emergency Lay-By sa EDSA   “Kasi talagang tuwing umuulan medyo talagang medyo delikado dahil iyong iba. humihinto sa gilid, eh baka hindi makita ng sasakyan eh mabangga sila. Pero of course, naunawaan natin na dapat talagang sumilong sila at mahirap baka sumemplang sila. so […]