Mga chikiting, puwede ng pumunta sa mga malls sa Kalakhang Maynila
- Published on November 9, 2021
- by @peoplesbalita
PINAPAYAGAN na ang mga menor de edad at mga chikiting na pumasok sa loob ng malls sa Kalakhang Maynila matapos na ilagay sa ilalim ng COVID-19 Alert Level 2 ang NCR.
Subalit paglilinaw ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos na kailangang magbigay ang local government units (LGUs) ng karagdagang guidelines gaya ng at kabilang ang i-require ang mga magulang at guardians na samahan ang mga bagets sa malls.
“Personally, I believe children are allowed to go out to the malls. We have to relate it to number 1, that intrazonal and interzonal movement shall be allowed. However, reasonable restrictions can be imposed by LGUs,” ayon kay Abalos.
“If you’re going to recall before, there was a condition set by mayors that minors should always be accompanied by their parents or any guardian. I believe that still exists,” dagdag na pahayag nito.
Aniya pa, ang mga chikiting o menor de edad ay maaaring mag-dine alfresco sa loob ng restaurants, iyon nga lamang kailangan na susundin ng establisimyento ang venue capacity na itinakda ng pamahalaan sa ilalim ng Alert Level 2.
Sa ilalim ng guidelines na ipinalabas ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases, “restaurants and eateries may operate at a maximum of 50 percent indoor venue capacity for fully vaccinated individuals and those below 18 years of age, even if unvaccinated. They may also operate at 70 percent outdoor venue capacity.”
Magkagayon man, ang lahat ng mga manggagawa at empleyado ng mga establisimyento ay kailangan na fully vaccinated at sumusunod sa minimum public health standards.
Inanunsyo ng Malakanyang na isasailalim na sa Alert Level 2 ang Kalakhang Maynila, simula Nobyembre 5 hanggang Nobyembre 21. (Daris Jose)
-
Netizens, nilait-lait ang logo ng newest free TV network: WILLIE, pumirma na ng kontrata kaya tuloy na ang pag-ere ng AMBS 2
TULOY na tuloy at wala nang urungan ang operasyon ng Advanced Media Broadcasting Systems o AMBS Channel 2 na pag-aari ng pamilya ni Manny Villar. Ang AMBS 2 ang newest free TV network sa bansa na ang frequency ay dating pag-aari ng ABS-CBN. At isa nga sa aaabangan ang pagbabalik ng […]
-
Kapit sa patalim na rin ang papasikat na sanang male model
Biglang naging kuya ng mga bagong Kapuso stars si Kristoffer Martin sa lock-in taping nila ng aabangan na teleserye titled Babawiin Ko Ang Lahat. Nanibago raw si Kristoffer dahil nasanay siyang mga kaedad niya o mas may edad sa kanya ang mga nakakatrabaho niya sa teleserye. Ngayon daw ay tawag sa kanya ay “kuya” […]
-
Sa sweet photo na pinost ni JULIA: GERALD, nilalait ng netizens dahil tumaba at tumatanda na
NAG-SHARE uli si Julia Barretto sa kanyang IG post ng sweet photo nila ni Gerald Anderson, na kung saan nakatitig siya sa aktor. May mga natuwang netizens dahil kitang-kita talaga na in love na in love sa isa’t-isa. Meron din namang patuloy na nanglalait sa relasyon ng dalawa, pati ang hitsura ni Gerald […]