• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga consumers, hinimok ng pamahalaan na mamili sa mga malalaking mga supermarkets at groceries

PARA makatipid at matiyak na tugma ang SRP sa item na bibilhin ng mga consumers, pinayuhan ni Trade and Industry undersecretary Ruth Castelo na sa mga malalaking pamilihan o sa wholesalers pumunta at bumili ng kailangan upang kahit paano’y makamenos sa mga panahong ito.

 

 

Ani Castelo, hindi lang compliant kundi mas mababa pa sa itinakdang suggested retail price o SRP ang ilang mga ibinibentang produkto sa mga malalaking supermarkets at groceries.

 

 

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Castelo na lumalabas na may nakita silang mga produkto na mas mababa pa ng dalawang piso kaysa sa itinatakda nilang  SRP ang ibinibenta sa malalaking supermarkets.

 

 

Ito’y sa harap na rin ng patuloy nilang pagmomonitor ng SRP sa iba’t  ibang mga pamilihan.

 

 

Samantala, may iba pang produkto na hanggang apat na piso pang mas mababa sa SRP. (Daris Jose)

Other News
  • 2.2 milyong mag-aaral, mabebenepisyuhan ng ‘Libreng Sakay’ ng LRT-2

    INIHAYAG  ni Light Rail Transit Authority (LRTA) Administrator Atty. Hernando T. Cabrera na tinatayang aabot sa 2.2 milyon ang mga mag-aaral na makikinabang sa ‘Libreng Sakay’ program na ipagkakaloob ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) sa unang quarter ng School Year 2022-2023.     Ayon kay Cabrera, ang ‘Libreng Sakay’ program ng LRT-2 ay […]

  • Kampanya laban sa terorismo paiigtingin pa ng gobyerno – PBBM

    TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na lalo pang palalakasin ng gobyerno ang kampanya nito laban sa teroristang grupo na patuloy na naghahasik ng karahasan.Ginawa ng Pangulo ang pahayag matapos binigyang pugay ang anim na sundalo na nasawi sa enkwentro laban sa teroristang Dawla Islamiyah sa Lanao del Norte.     Sinabi ng Pangulo kailanman […]

  • Baril, bala, granada nasabat ng CIDG sa apartment ng naarestong drug suspect

    NAKAKUMPISKA pa ang pulisya ng baril, bala at granada sa inuupahang apartment ng isa sa dalawang lalaking unang nahuli sa pagbebenta ng hindi lisensiyadong baril at pag-iingat nang mahigit P1 milyong halaga ng shabu at marijuana, Martes ng hapon sa Caloocan City.     Sa follow-up operation ng mga tauhan ni P/Lt. Col. Jynleo Bautista, […]