Mga dadalo ng SONA 2022, dapat sumailalim sa RT-PCR test
- Published on July 23, 2022
- by @peoplesbalita
MGA dadalo ng SONA 2022, dapat sumailalim sa RT-PCR test ng mula Sabado (Hulyo 23) ng ala-1:30 ng hapon
Ito ang nakapaloob sa ipinalabas na health and safety protocols ni House of Representatives Secretary-General Mark Llandro Mendoza bilang guidance sa mga dadalo sa pagbubukas ng First Regular Session ng 19th Congress at unang State of the Nation Address (SONA) ni Presidente Ferdinand Marcos Jr. ngayong Lunes (Hulyo 25, 2022).
Nakasaad sa naturang memorandum na may petsang Hulyo 20, 2022 na ang bawat indibidwal na papasok sa North Wing Lobby, South Wing Lobby at Plenary Hall para sa SONA ay kailangang magprisinta ng kanilang negative RT-PCR result na kinuha sa alinmang Department of Health-accredited laboratory mula ala-1:30 ng hapon ng Sabado, Hulyo 23, 2022.
Samantala, ang mga mambabatas, Secretariat officials at staff, maging mga regular service providers na magbabalik trabaho at papasok sa plenary hall sa araw ng sona ay maaaring kumuha ng kanilang RT-PCR test sa kamara ngayong Sabado, mula alas-1:30 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi o Linggo (Hulyo) 24, 2022, mula alas-7 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali.
Maaaring kunin ng mga mambabatas at secretariat officials ang kanilang RT-PCR test sa South Wing Annex habang ang secretariat staff at service providers ay sa RVM Building.
Lilimitahan din ang pagpasok ng personnel ng iba’t ibang congressional offices hanggang dalawang personalidad lamang na ang pangalan ay kailangang isumite sa Legislative Security Bureau (LSB).
Mananatili naman sa skeletal force ang tanggapan ng Secretariat na kasali sa ginagawang preparasyon ng SONA. (Ara Romero)
-
52 election-related violence incidents, naitala isang linggo bago ang May 9 election – PNP
NAKAPAGTALA ang Philippine National Police (PNP) ng kabuuang 52 insidente ng election-related violence sa bansa isang linggo bago ang May 9 national at local elections. Ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, nasa 28 mula sa 52 insidente ng election-related violence ang kumpirmadong walang kinalman sa nalalapit na halalan habang nasa 14 […]
-
PCG personnel, libreng makakasakay sa LRT-2
MAGANDANG balita para sa mga Commissioned officers, enlisted personnel at civilian employees ng Philippine Coast Guard (PCG) dahil mae-enjoy na ng mga ito ang libreng sakay sa Light Rail Transit Line 2 (LRT-2). Sa isang Facebook post sinabi ng PCG na ang libreng sakay ay bahagi ng memorandum of agreement (MOA) na pinirnahan […]
-
Nagpapasalamat sa production na binusisi ang mga detalye: BARBIE, nalula sa mga papuri sa performance sa bagong GMA teleserye
PROUD daddy si Dennis Trillo sa anak nila ni Jennylyn Mercado na si Baby Dylan dahil natuto raw siyang maging isang hands-on parent. Inamin ng bida ng GMA teleserye na ‘Maria Clara At Ibarra’ na hindi niya na-experience ang maging hands-on dad sa panganay niyang si Calix Andreas dahil sa ina nitong si Carlene Aguilar ito […]