• November 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MGA DATING MIYEMBRO NG NPA, PINASALAMATAN NI LABOR SECRETARY BELLO SA PAGTITIWALA SA PAMAHALAAN

PINAGKALOOBAN  ng ayuda ng Department of Labor and Employment ang dating mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa liblib na bayan sa Currimao, Ilocos Norte.

 

Personal na dumalaw si Labor Secretary Silvestre Bello III upang ipakita ang katapatan ng pamahalaan sa paghahatid ng kapayapaan sa bansa lalo na sa hanay ng mga dating rebeldeng nagbalik-loob sa gobyerno kung saan ay mainit na tinanggap ang kalihim.

 

Bitbit  ang iba’t ibang ayuda ng kalihim para sa mga manggagawa ruon na pinangasiwaan ng Integrated Livelihood Program o DILP.

 

Ang isa sa Infantry Division ng Philippine Army sa pamumuno ni Gen. Krish-Namurti Mortela, na kapartner ng DOLE sa pagpapatupad End Local Communist Armed Conflict o ELCAC program ay nasa Currimao.

 

Nagkakahalaga ng 1.4 milyong pisong DILP projects ang naipagkaloob sa 35 beneficiaries mula sa Pinili at 35 recipients mula sa Marcos ang tumanggap ng mahigit na isa punto dalawang milyong piso.

 

May 500 benipisyaryo rin mula sa Laoag National High School ang tumanggap ng dalawang milyong pisong financial assistance. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • OCTA magsusumite ng bagong vaccine model para sa limitadong COVID-19 vaccine

    Magsusumite ang OCTA Research group ng vaccine model o paghahambingan ng gobyerno para mabigyan ng tugon ang limitadon suplay ng COVID-19 vaccine sa National Capital Region (NCR) kung saan marami ang kaso ng COVID-19.     Sinabi ni Professor Ranjit Rye ng OCTA Research group, ang nasabing model ay nakatuon sa limitadong suplay sa NCR. […]

  • Pope Francis nagpaabot ng pagdarasal sa mga nasalanta ng bagyong Agaton

    NAGPAHAYAG ng pagkakaisa at pagkaawa si Pope Francis sa mga biktima ng bagyong Agaton sa bahagi ng Visayas at Mindanao.     Sa kanyang sulat na ipinaabot ni Cardinal Pietro Parolin ang Secretary of State, kay Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, nakasaad doon ang pakikidalamhati ng Santo Papa sa mga biktima ng […]

  • NDRRMC todo paghahanda na rin vs ‘Siony’: Mining, tourism, quarrying activities tigil muna

    NAGHAHANDA na ngayon ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) bilang paghahanda sa bagyong Siony sa kabila ng nagpapatuloy na disaster response sa bagyong Rolly.   Una nang pinulong ng Council ang mga regional DRRMCs para talakayin ang on-going preparation sa severe tropical storm Siony.   Kabilang sa tinalakay sa pulong ay ang […]