Mga dawit sa multi-bilyong pisong iregularidad sa ahensiya, nailagay na sa pangalan ng iba -Sec. Roque
- Published on September 28, 2020
- by @peoplesbalita
KUMBINSIDO si Presidential spokesperson Harry Roque na nailagay na sa ibang pangalan ang mga ari-arian ng ilang opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth ) na sangkot sa anomalya sa ahensiya.
Ito ang isiniwalat ni Presiden- tial spokesperson Harry Roque batay na rin aniya sa naikasa na nilang lifestyle check bago pa lumabas ang tindig ng Ombudsman na itigil na ang lifestyle checks sa mga public officials.
Aniya, dahil sa may alam sa batas ang una nang mga siniyasat na opisyal ng PHILHEALTH ay nakagawa na aniya ang mga ito ng kaukulang hakbang upang mailagay sa pangalan ng iba ang kanilang ari- arian.
Ilan lang sa mga nabanggit ni Roque na asset na wala na sa pangalan ng ilang PHILHEALTH officials na idinadawit sa iregularidad ay ang umano’y bahay ng mga ito sa Baguio.
“At sa totoo lang sa panahon ngayon, unless ikaw talaga’y garapal, ang mga kurakot naman ay magaling nang magtago. Diyan po sa PhilHealth tatapatin ko kayo, nagkaroon kami ng lifestyle check. Eh siyempre dahil marunong sa batas iyong mga nila-lifestyle check, nailagay na sa pangalan ng iba ‘no. Pero kumpirmado na umuuwi sa bahay sa Baguio, ganyan ganyan… na napakalaki pero hindi sa kaniya nakapangalan ‘no,” lahad nito.
Ganunpaman aniya ay hindi na tinukoy pa ni Sec. Roque kung sinu- sino ang mga naturang opisyales ng ahensiya na ani Roque ay may alam sa usapin sa batas.
Ang mas importante aniya ngayon ay ang pagpapatupad ng Anti-Money Laundering Council (AMLC)dahil ang AMLC aniya ay may paper trail kapag may pumasok na pera. (Daris Jose)
-
Dating editor ng Remate, patay matapos barilin sa loob ng pag-aaring salon sa Quezon City
Patay ang dating editor ng pahayagang Remate matapos pagbabarilin sa pagma-may-ari nitong salon sa Barangay Apolonio Samson sa Quezon City. Kinilala ang biktima na si Gwenn Salamida. Sugatan naman ang kasamahan nito na si Oliver Perona. Batay sa report ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit, nangyari ang pamamaril bandang 3:30 kaninang noong Lunes, […]
-
Hidilyn Diaz desididong makakuha ng gold medal sa 2024 Olympics
DESIDIDO si Olympic gold medalist Hidilyn Diaz na makakuha muli ng gintong medalya. Ayon kay Pinay weightlifter na nais niyang maulit ang pagkakawagi nito gintong medalya sa papalapit na 2024 Paris Olympics. Dagdag pa nito na gagawin niya ang lahat ng makakakaya para makuha ang nasabing medalya. Pinayuhan din […]
-
Five Nights At Freddy’s PG-13 Rating Explained: Violence, Blood, & Language
CO-WRITER/DIRECTOR Emma Tammi explains why the Five Nights at Freddy’s movie didn’t aim for an R-rating, Despite being comprised of a host of murderous animatronics. Anticipation is high for the adaptation of the hit horror video game franchise, which put players in the shoes of a night security guard at the eponymous family […]