• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga debris ng rocket ng China posibleng mahulog sa ilang bahagi ng Pilipinas – Philippine Space Agency

MAHIGPIT na binabantayan ngayon ng Philippine Space Agency ang debris mula sa rocket ng China na Long March 7A (CZ-7A) na maaaring mahulog ang mga debris nito malapit sa Cagayan at Ilocos Norte.

 

 

Ayon sa PhilSA na inilunsad ng China nila ang nasabing rocket mula sa Wenchang Space Launch Center sa Hainan Island dakong 9:19 ng gabi nitong Martes.

 

 

Naberipika ng ahensiya ang estimated na drop zones ng mga debris matapos makatanggap sila ng mga abiso mula sa Civil Aviation Administration ng China.

 

 

Ilan sa mga drop zone na kanilang na-identify ay sa 71 kilometers mula sa Burgos, Ilocos Norte habang ang drop zone 2 ay tinatayang 52 kilometers ng Sta. Ana. Cagayan.

 

 

Bagamat hindi ito tatama sa kalupaan ay makakaapekto ito sa mga barko, eroplano sa mga lugar na dadaaanan ng debris.

 

 

Magugunitang noong Huloy ay mayroong debris na rin ang nakita sa karagatan ng Pilipinas mula sa Long March 5B rocket na rin ng China.

 

 

Nanawagan din ang ahensiya na agad nilang ipaalam sa kanila ang sinumang makakita ng mga debris ng nasabing Chinese rockets.

Other News
  • Cardona magbabalik MPBL

    NAKATAKDANG sa hardcourt ang ex-professional na si Mark Reynan Mikesell  ‘Macmac’ Cardona sa 4th Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) 2021 sa Hunyo.     Ipinaskil ng 39-anyos, 6-0 ang taas na beteranong basketbolista sa kanyang Instagram account ang muling paglalaro sa regional pro league.     Kaya lang ay hindi na pero hindi na sa […]

  • Martinez sasaklolohan ni Cheng, PHSU sa training

    URA-URADANG umaksiyon ang Philippine Skating Union (PHSU) at ang presidente nito na si Dyan ‘Nikki’ Cheng sa pangangalampag ni two-time Winter Olympic figure skater Michael Christian Martinez na kasalukyang nasa United States at nagti-training.     Pinangalandakan ng 24 na taong gulang at 5-9 ang taas na dating national athlete sa kanyang social media account […]

  • PDu30, handang harapin si Gordon sa public debate

    HANDA si Pangulong Rodrigo Roa Roa Duterte na harapin sa public debate si Senador Richard Gordon kung hahamunin siya nito.     Sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi, tinawag ni Pangulong Duterte na “magnanakaw” si Gordon dahil sa di umano’y pagkakasangkot nito sa korapsyon sa Philippine Red Cross (PRC), kung saan siya […]