MGA DELEGADO SA PBA BUBBLE NAGNEGATIBO SA COVID-19
- Published on October 5, 2020
- by @peoplesbalita
NAGNEGATIBO sa coronavirus ang lahat ng mga delegates na kasali sa PBA bubbles sa Pampanga.
Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, na dahil dito ay maaari na silang makibahagi sa ensayo sa Angeles University Foundation gym.
Bago kasi makapasok sa Quest Plus Conference Cener ang mga koponan ay sumailalim ang mga ito sa swab testing.
Inilagay pa ang mga ito sa quarantine ng dalawang araw habang hinihintay ang resulta ng kanilang test.
Nagsimula ng magsagawa ng ensayo ang Magnolia, Meralco, Phoenix, Terra Firma at TNT habang ang defending champion na San Miguel Beermen, Barangay Ginebra, NLEX, Rain or Shine, Alaska, Blackwater at NorthPort ay susunod na magsasagawa ng ensayo.
-
Tila may patama rin sa isang presidentiable: VICE GANDA, trending dahil sa ‘pink outfit’ na ikinatuwa ng ‘Kakampinks’
NAGTI-TRENDING ang Unkabogable Phenomenal Star na si Vice Ganda sa Twitter noong April 18, isang araw pagkatapos ng controversial press conference sa Manila Peninsula nina Isko Moreno at Ping Lacson. Trending si Vice dahil kahit na hindi nagsasalita and unlike other celebrities na out and vocal sa kung sinong kandidato ang sinusuportahan nila […]
-
Pinas, nakapagtala ng $655M deals sa China Intl Import Expo
NAGTAPOS ang partisipasyon ng Pilipinas sa 5th China International Import Expo (CIIE) sa “high note” na may total sales and deals na nagsara sa record na $655.15 million. Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na napagtagumpayan ng bansa ang target na nalampasan ang nakaraang taon na CIIE sales na $597 million, o 9.74%. “The […]
-
Bulkang Taal nag-alboroto, alert level 3 itinaas
ITINAAS na sa Alert level 3 ang Bulkang Taal sa lalawigan ng Batangas dahil sa patuloy na pag-aalboroto. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nagbuga ang bulkan ng plumes na 1500 metro na may kasamang volcanic earthquake at infrasound signals. Sa tala ng Taal Volcano Network, nagkaroon din […]