Mga dinismis na empleyado ng LRTA, nagprotesta sa labas ng Korte Suprema
- Published on December 18, 2024
- by @peoplesbalita
NAGSAGAWA ng noise barrage at kilos protesta ang ilang mga dating empleyado ng LRTA sa Korte Suprema .
Hiling ng grupo na bawiin ng SC En Banc ang desisyon ng 3rd Division na pumabor sa paghahabol nila sa separation benefits at backpay.
Ayon sa grupo, nanawagan ang kanaak ng ilan nilang kasama na namapayapa na at naghahabol sa mga benepisyo na dapat nilang matanggap.
Partikular na inalmahan ng grupo ang pagbawi sa naipanalo nilang kaso na illegal dismissal na mahigit 20 taon na nilang ipinaglalaban.
Nagsagawa pa ng noise barrage ang mga raliyista kung saan sila ang mga tinanggal na empleyado bago pa man maisapribado ang LRTA.
Ang pangangalampag ng dating mga empleyado bago maisapribado ang LRTA ay layon na makuha ang nararapat nilang benepisyo na matagal na nilang inaasam at hinihintay .( Gene Adsuara)
-
Makakasama nila ni Dennis sina Andrea at Sid: BEA, excited sa serye na pagbabalik niya sa drama
NAGKAROON na ng story conference ang upcoming Kapuso series “Love Before Sunrise” na magpapabalik sa tambalan nina Dennis Trillo at Bea Alonzo, after twenty years na unang nagkasama sila sa ABS-CBN. Sa story conference, natanong si Dennis kung ano ang masasabi niya sa new series na gagawin, after “Maria Clara at Ibarra? […]
-
PBBM, nakidalamhati para sa mga biktima ng bagyong ‘KRISTINE’ sa BATANGAS
NAG-ALOK si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng memorial mass, araw ng Lunes, para sa mga nasawi sa panahon ng pananalasa ng Severe Tropical Storm Kristine sa Barangay Sampaloc, Talisay Batangas. “Nais ko pong ipaabot ang aming taos-pusong pakikiraramay sa bawat Pilipinong naapektuhan ng Bagyong Kristine,” ayon kay PangulongMarcos sa kanyang naging talumpati sa […]
-
Pdu30, nakiisa sa virtual send-off ceremonies sa mga atletang Pinoy na sasabak sa Tokyo 2020 Paralympics
TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang suporta ng bansa para sa anim na atletang Filipino na makikipaglaban sa Tokyo 2020 Paralympic Games, isang major international multi-passport event na pangangasiwaan ng International Paralympic Committee (IPC). Ang 16th Summer Paralympic Games ay idaraos sa Tokyo, Japan mula Agosto 24 hanggang Setyembre 5. “My warmest […]