MGA DIPLOMATS, ASAWA AT ANAK NA PINOYS, PINAPAYAGAN NG MAKAPASOK
- Published on January 25, 2021
- by @peoplesbalita
PINAPAYAGAN na ng Bureau of Immigration (BI) ang mga Diplomats, kanilang asawa at anak na Pinoys batay sa natanggap nilang resolusyon mula sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).
Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na sa natanggap nilang resolusyon No. 95 mula sa IATF na pinapayagan nila ang pagpasok ng mga accredited na foreign diplomats,mga personnel na may accredited na international organizations kabilang ang World Health Organization (WHO), United Nations (UN)at mga dayuhang dignitaries na may travel history sa loob ng 14 araw mula sa 35 bansa na may travel restrictions dahil sa Covid 19.
“Arriving foreign diplomats and personnel of accredited international organizations will be referred to the airport’s one stop shop for the usual testing and quarantine protocols,” ayon kay Morente.
Dagdag pa ng BI na sa mga nangagaling sa mga bansa para sa medical at emergency cases kabilang ang kanilang medical escorts ay papayagan na makapasok ng bansa pero kailangan pa nilang sumailalim sa testing at quarantine protocols na naayon sa Dpartment of Health.
Kabilang din sa mga pinapayagan ay kanilang mga asawa at minor na anak na mga Filipinos pero yaong mga paparating na asawa at mga minor na anak na Filipinos na kasama nilang bibiyehe ay kinakailangang mag-apply ng kanilang entry visa bago bumiyahe sa Pilipinas.
“Spouse and minor children of Filipinos traveling with them who are not in possession of valid entry visas issued by our foreign posts abroad will not be allowed entry,” ayon kay Morente.
Klinaro pa ni Morente na ang mga dual citizens na may Philippine at foreign citizenship ay papayagang pumasok kung may ipapakitang Philippine passport o ang kanilang certificate of citizenship.
Ayon sa BI ang Certifiate of Citizenship ay ang Identification Certificate o ang certificate of reacquisition/retention of Philippine Citizenship sa ilalim ng RA 9225. (GENE ADSUARA)
-
Nagtala na naman ng history: SB19, first Pinoy group na na-feature sa Japanese YT channel na ‘The First Take’
NAGTALA na naman ng history ang SB19. Sila ang kauna-unahang Pilipino na itinampok sa Japanese Youtube channel na The First Take na nagpapalabas ng mga artists na kakanta ng live na isang take lamang, walang cut, walang take 2 ang performance. Napapanood ang almost perfect na pag-awit […]
-
“PAW PATROL: THE MIGHTY MOVIE” BOW-WOWS AT NO. 1 AT THE U.S. BOX OFFICE, OPENS OCTOBER 11 IN PH
PAW Patrol: The Mighty Movie is top dog! The sequel about everyone’s favorite mighty pups debuted at the top of the U.S. box office over the weekend with $23 million, bringing its worldwide total to $46.1 million – a mighty achievement given that the movie has opened at just 53% of the worldwide market. […]
-
Pedicab driver tinodas ng 2 pasahero sa sementeryo
Dedbol ang isang 27-anyos na pedicab driver matapos barilin ng dalawang hindi kilalang mga suspek na kanyang naging pasahero sa loob ng isang sementeryo sa Malabon city, kamakalawa ng hapon. Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo ang biktima na kinilalang si Jesus Dela Cruz, 27, residente ng Brgy. Santolan. […]