• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga dokumento na pupuwedeng ipakita para ma-verify o makumpirma ang vaccination status ng mga pauwing Filipino sa bansa, aprubado na ni PDu30

INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga dokumento na pupuwedeng ipakita para ma-verify o makumpirma ang vaccination status ng mga pauwing Filipino sa bansa.

 

Para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at sa kanilang mga asawa, mga magulang at anak na kasama ng mga ito na buma-byahe ay sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kinakailangan na kumuha ang mga ito ng “Certification from the Philippine Overseas Labor Office in the country of origin. ”

 

Para naman aniya sa mga Filipino at dayuhan na fully vaccinated sa Pilipinas, kinakailangan na makapagpakita ang mga ito ng kanilang local government unit (LGU) hospital-issued Vaccination Cards ( original o hard copy form) o LGU-issued Vaccine Certificate, “provided” na puwede aniya itong ma-beripika o makumpirma ng border control authorities, o BOQ-issued International Certificate of Vaccination or Prophylaxis (ICV).

 

Samantala, para naman aniya sa mga Filipino na nabakunahan sa ibang bansa at dayuhan na fully vaccinated sa ibang bansa ay kinakailangan aniya na makapag-presenta ang mga ito ng vaccination certiticate na ipinalabas ng “health authorities of their place of vaccination,” “provided” na pupuwede pong ma-beripika ang ang mga sertipikong ito. (Daris Jose)

Other News
  • Ads July 12, 2024

  • Barbers sa mataas na rating ni Speaker Romualdez: ‘Nakaka-proud’

    Ang mataas na trust at satisfaction rating na nakuha ni Speaker Martin Romualdez sa survey ng Octa Research ay magsisilbi umanong inspirasyon ng Kamara upang mas magsumikap para matapos ang legislative agenda ng administrasyong Marcos. Ito ang sinabi ni Surigao del Norte  Rep. Robert Ace Barbers, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, na nagsabi  […]

  • DBM, handang tugunan ang anumang kinakailangan ng Senado at Kamara para agad na maratipikahan ang 2021 national budget

    NAKAHANDA ang Department of Budget and Management (DBM) na tumulong sa kung ano pa ang mga pupuwedeng nilang maitulong sa Dalawang Kapulungan ng Kongreso para mapadali ang proseso ng pagpasa ng 2021 national budget.   Kinikilala ng dbm ang pagsisikap ng Senado at Kongreso na matulungan ang gobyerno sa pamamagitan Ng pagpasa sa tamang oras […]