• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga dumalo sa 57th birthday campaign rally ni Robredo umabot sa mahigit 420-K

PUMALO sa mahigit 420,000 bilang ng mga indibidwal na dumalo sa ginanap na campaign rally kasabay ng selebrasyon ng ika-57 kaarawan ni presidential candidate Vice President Leni Robredo.

 

 

Ayon sa local event organizers ng naturang rally, umabot sa 420,000 ang kabuuang bilang ng mga tagasuporta ni Robredo ang dumalo sa #ArawNa10to rally na ginanap sa Macapagal Avenue sa Pasay City.

 

 

Sabay na hinarap ito ng tambalan nina Robredo at Sen. Kiko Pangilinan kasama rin ang iba pang mga personalidad na sumusuporta sa kanila.

 

 

Present dito ang tatlong anak ng bise presidente na sina Aika, Jillian, at Tricia Robredo, gayundin sina Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Janno Gibbs, at iba pang artista tulad nina Julia Barretto, Angel Locsin, Jolina Magdangal, Rivermaya, Ben & Ben, APO Hiking Society, Maricel Soriano, Gab Valenciano, at ama nitong si Gary Valenciano. Mahigit 50 bilang ng celebrities ang nakiisa at naging highlight ang ng endorso sa kanya ng Unkabogable Star na si Vice Ganda.

 

 

Dito ay isa-isa rin na inilatag ng Leni-Kiko tandem ang kani-kanilang plataporma, panawagan, at layunin para sa bayan.

 

 

Samantala, magugunita na nakapagtala rin ang kampo ni Robredo ng nasa 220,000 na mga tagasuportang dumalo sa ginanap na campaign rally nito sa Pampanga. (Daris Jose)

Other News
  • Yulo pasok sa finals ng men’s vault sa Tokyo Olympics

    Hindi pa tapos ang laban para sa lone world champion gymnast ng Pilipinas na si Carlos Yulo kahit pa bigo siyang makakuha ng final spot sa floor exercise event.     Pasok pa rin kasi si Yulo sa finals sa men’s vault event ng men’s artistic gymnastics.     Ito ay kasunod na rin ng […]

  • 800 PULIS IPAPAKALAT SA UNDAS SA MAYNILA

    IPAPAKALAT ng Manila Police District (MPD) ang may 800 na kapulisan sa mga sementeryo sa lungsod bilang paghahanda sa Undas 2023.     Ayon kay MPD Chief Police Col. Thomas Ibay, nasa 450 ang kanyang idedeploy sa loob at labas ng Manila North Cemetery habang 350 naman sa Manila South Cemetery.     Dagdag pa […]

  • ‘Red flag’ itinaas ng DOH sa pagsirit ng COVID-19 cases

    Nakatakdang pulu­ngin ng Department of Health (DOH) ang mga opisyal ng iba’t ibang pagamutan sa Metro Manila matapos ang biglaang pagtaas muli ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon.     Inamin ni Philippine General Hospital spokesperson Jonas del Rosario na nakararanas sila ngayon ng “red flag” dahil sa pagsirit ng mga kaso sa maigsing panahon. […]