• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga empleyadong 40-yr old pataas, ‘priority’ sa A4 vaccination – DOH

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na may susundin pa ring “prioritization” kapag nagsimula na ang COVID-19 vaccination sa A4 group o essential workers.

 

 

Ayon kay Health Usec. Leopoldo Vega, ituturing na priority sa vaccination ng essential workers ang mga manggagawang 40-years old pataas.

 

 

“Itong June na to, bibilisan ang A1 to A3, may special lane ho ‘yan. Hindi mawawala sa vaccination centers, saka sa A4 dahan-dahan na. Lalo na 40 years old, uunahin sa mga working group. Mauuna ‘yung mas matanda. ‘Yung vulnerability kasi sa COVID-19 mas mataas sa matatanda,” ani Vega sa panayam ng DZBB.

 

 

Una nang sinabi ng DOH na posibleng sa Hunyo magsimula ang pagbabakuna sa essential workers.

 

 

Nitong Biyernes, sinabi rin ng Malacanang na kasali na sa A4 priority group ang lahat ng government at private workers, at mga nagta-trabaho sa informal sector.

 

 

Ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA), tinatayang 35.5-milyong manggagawa ang inaasahang mababakunahan sa ilalim ng A4 priority group.

 

 

Batay sa huling datos ng DOH, nasa 5,120,023 indibidwal na ang nababakunahan ng bansa laban sa COVID-19.

Other News
  • April 10, idineklarang regular holiday ni PBBM para sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr

    IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na regular holiday ang April 10, araw ng Miyerkules, sa buong bansa bilang pagdiriwang ng Eid’l Fitr, o Feast of Ramadhan. Sa pamamagitan ng Proclamation No. 514, idineklara ng Pangulo ang nasabing petsa na regular holiday “in order to bring the religious and cultural significance of the Eid’l […]

  • Mas mabigat na parusa at multa sa paglabag sa OSH law

    MATAPOS  ang naganap na pagbagsak ng scaffolding sa Quezon City na ikinasawi ng isang trabahador, hiniling ng women workers group ang pagpataw ng mas mabigat na parusa at multa sa mga lababag sa Occupational Safety Health (OSH) law.     Tanong ng Kilusan ng Manggagawang Kababaihan (KMK) kung ilan pang manggagawa ang masasawi sa trabaho […]

  • ‘The Innocents’ Trailer Takes a Dark Look at Kids With Superpowers

    IN the Marvel universe, a child discovering their powers might soon get a visit from Professor Charles Xavier to tell them everything is going to be fine.     In the European film The Innocents, however, discovering you have powers might be dangerous when there aren’t adults around to supervise – and maybe even if they […]