Mga Filipino sa Vietnam, todo suporta sa mga atletang pinoy na sumasabak sa 31st SEA Games
- Published on May 17, 2022
- by @peoplesbalita
IBA’T IBANG pamamaraan ang ginagawa ngayon ng mga Pilipino sa Vietnam para maipakita ang kanilang suporta sa mga Pilipino athlete sa nagpapatuloy na 31st South East Asian Games.
Sinabi ni Bombo International News Correspondent Arlie Dela Peña, isang guro sa Hanoi, Vietnam na kahit kaunti lamang silang mga Pilipino sa naturang bansa ay mainit ang kanilang suporta sa team ng Pilipinas.
Aniya, iba’t ibang pamamaraan ang kanilang ginagawa para maipakita ang kanilang suporta.
May mga nagpapagawa ng scarf na may nakalagay na Mabuhay Pilipinas, nagpapadisenyo sila ng mga T-shirt, may dala silang watawat ng Pilipinas sa pagtungo sa venue at flaglets.
Kahit nasa malayo aniya ay nagpupunta para manood at nang magkaroon ng suporta sa mga atleta ng bansa.
Pinakaabangan naman nila si weighlifter Hidilyn Diaz at ang soccer team ng Pilipinas.
Sa ngayon ay patuloy na nangunguna ang host country na Vietnam sa 31st South East Asian Games.
-
Kahit dedma na ang dating karelasyon: DANIEL, sobra pa rin ang pasasalamat kay KATHRYN kahit hiwalay na
KAHIT hiwalay na, sobra pa rin ang ibinigay na pasasalamat ng Kapamilyang aktor Daniel Padilla sa ex niyang si Kathryn Bernardo. Sa kanyang muling pagpirma ng kontrata sa Kapamilya channel ay hindi nakalimutang banggitin ni Daniel ang pangalan ni Kathryn. Kung si Kathryn ay hindi binanggit si DJ sa mga pinasalamatan niya ay hindi naman […]
-
For World Pneumonia Day 2023, different stakeholder groups, advocates advance the fight to #StopPneumoniaTogether
Manila, Philippines — For World Pneumonia Day 2023, healthcare company MSD in the Philippines mounts a multi-stakeholder media forum titled “Advance the Fight Against Pneumonia,” to engage different sectors to strengthen the call to stop pneumonia together. The forum also facilitates expert talks and multi-stakeholder discussions about the challenges and opportunities surrounding pneumonia prevention, diagnosis, and […]
-
Kongreso iimbestigahan ang no-contact apprehension
HININGI ni Surigao del Norte Rep. Robert “Ace” Barbers sa Kongreso na gumawa ng isang imbestigasyon sa pagpapatupad ng no-contact apprehension policy (NCAP) na ginagawa ng mga local government units (LGUs) at ng Metro Manila Development Authority (MMDA). Dahil na rin sa mga reklamo ng mga motorista lalo na ang mga motorcycle-riding […]