• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga golfer marami ng torneo sa 2021

SINALUDUHAN ng Games and Amusements Board  (GAB) ang una sa dalawang torneo ng Philippine Golf Tour (PGT) sa restart mula sa eight-month stop dahil sa Covid-19 at hinimok ang mas maraming kompetisyon ng sport sa taong 2021.

 

Base ito sa ulat na nakarating kay GAB chairman Abraham Kahlil Mitra mula sa Pro-Basketball and Other Pro-Games Division.

 

Ayon sa ahensya, sumunod ang Pilipinas Golf Tournaments Inc. (PGTI) sa mahigpit na Department of Health (DOH)-Philippine Sports Commission-(PSC)-GAB Joint Administrative Order health and safety protocols sa ICTSI Riviera Invitational Challenge tatlong linggo na ang nakalilipas sa Riviera Golf and Country Club-Couples course sa Silang, Cavite.

 

“With the successful conclusion of the pro golf tournament organized by PGTI under the GAB supervision in compliance with the DOH-PSC-GAB JAO No. 2020-0001, it is noted that pro golf is back and more upcoming tournaments be allowed,” pahayag ng GAB Biyernes.

 

Hinirit na naging maayos at ligtas ang bubble tourney mula sa Bayleaf Hotel-Cavite hanggang RGCC-Couples. Mayroon ding RT-PCR tests sa players, at personnel kabilang ang GAB staff-on-duty.

 

“Health and safety protocols were implemented strictly in the hotel and golf course,” batay pa rin sa ulat ng GAB.

 

Mayroon ding Antigen tests sa lahat nagtse-check-in sa hotel kaya walang nag-positibo sa lahat hanggang  sa matapos ang torneo.

 

Sina Antonio ‘Tony’ Lascuña, Jr. at Princess Mary Superal ang naghari’t reyna sa PGT at Ladies Philippine Golf Tour (LPGT).

 

Hangad nilang mawalis ang kasunod na paligsahan, ang ICTSI Riviera Championship sa Disyembre 8-11 (men’s division) at Dis. 8-10 (women’s division) sa RGCC-Langer course.

 

Good luck sa ating mga local golfer.

Other News
  • Kaya deserving na maging ‘Miss Universe-Asia’: CHELSEA, nakuha ang highest score sa Asian countries sa preliminary round

    NAGBIGAY ng ng statement si Anne Jakrajutatip, ang founder and CEO ng JKN Global Group, na current owner ng Miss Universe, tungkol sa himutok ng Thai pageant fans.   Kinu-question kasi nila kung bakit ang pambato ng Pilipinas na Chelsea Manalo sa katatapos lang na 73rd Miss Universe na ginanap sa Mexico City, ang nakakuha […]

  • 3 timbog sa buy bust sa Malabon

    Tatlong hinihinalang drug personalities kabilang ang dalawang ginang ang arestado matapos makumpiskahan ng higit sa P.1 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon city, kamakalawa ng gabi.     Kinilala ni Malabon police chief Col. Angela Rejano ang naarestong mga suspek na si Amado Amano, 50, Blesilda Dela Cruz, […]

  • Walang ‘conflict of interest’ sa F2 Logistics deal para sa 2022 polls – Comelec

    Binigyang diin ng Commission on Elections (Comelec) na walang “conflict of interest” sa pinasok na kontrata ng komisyon sa logistics company na iniuugnay sa negosyante at major campaign donor ni Pangulong Rodrigo Duterte noong tumakbo ito sa pagka-presidente noong 2016.     Ang logistic firm ni Uy na F2 ang siyang magde-deliver ng mga election […]