• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga golfer marami ng torneo sa 2021

SINALUDUHAN ng Games and Amusements Board  (GAB) ang una sa dalawang torneo ng Philippine Golf Tour (PGT) sa restart mula sa eight-month stop dahil sa Covid-19 at hinimok ang mas maraming kompetisyon ng sport sa taong 2021.

 

Base ito sa ulat na nakarating kay GAB chairman Abraham Kahlil Mitra mula sa Pro-Basketball and Other Pro-Games Division.

 

Ayon sa ahensya, sumunod ang Pilipinas Golf Tournaments Inc. (PGTI) sa mahigpit na Department of Health (DOH)-Philippine Sports Commission-(PSC)-GAB Joint Administrative Order health and safety protocols sa ICTSI Riviera Invitational Challenge tatlong linggo na ang nakalilipas sa Riviera Golf and Country Club-Couples course sa Silang, Cavite.

 

“With the successful conclusion of the pro golf tournament organized by PGTI under the GAB supervision in compliance with the DOH-PSC-GAB JAO No. 2020-0001, it is noted that pro golf is back and more upcoming tournaments be allowed,” pahayag ng GAB Biyernes.

 

Hinirit na naging maayos at ligtas ang bubble tourney mula sa Bayleaf Hotel-Cavite hanggang RGCC-Couples. Mayroon ding RT-PCR tests sa players, at personnel kabilang ang GAB staff-on-duty.

 

“Health and safety protocols were implemented strictly in the hotel and golf course,” batay pa rin sa ulat ng GAB.

 

Mayroon ding Antigen tests sa lahat nagtse-check-in sa hotel kaya walang nag-positibo sa lahat hanggang  sa matapos ang torneo.

 

Sina Antonio ‘Tony’ Lascuña, Jr. at Princess Mary Superal ang naghari’t reyna sa PGT at Ladies Philippine Golf Tour (LPGT).

 

Hangad nilang mawalis ang kasunod na paligsahan, ang ICTSI Riviera Championship sa Disyembre 8-11 (men’s division) at Dis. 8-10 (women’s division) sa RGCC-Langer course.

 

Good luck sa ating mga local golfer.

Other News
  • Sofia, nag-post na ng pasasalamat at pamamaalam sa ‘Prima Donnas’

    NAG-POST ang Kapuso teen actress na si Sofia Pablo via Instagram ng kanyang pasasalamat at pamamaalam sa GMA teleserye na Prima Donnas.   Hindi na nakakasama si Sofia sa fresh episodes ng naturang teleserye dahil pinagbabawal ang below 15 years old na mag- taping bilang pagsunod sa safety and health protocols na galing sa DOLE […]

  • Pagtalakay sa panukalang amyenda ng RTL sisimulan ng House plenary

    SISIMULAN na sa plenaryo ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ngayong linggo ang panukalang pag-amyenda sa Rice Tariffication Law na naglalayong maibaba ang presyo ng bigas.     Tiniyak din ni Speaker Ferdinand Martin G.  Romualdez ang masusi at mabilis na pagtalakay ng Kamara upang mapagtibay ang panukala sa ikalawang pagbasa sa Miyekules.     Ayon […]

  • Comelec commissioner ipinapa-disqualify si Marcos

    IBINULGAR  agad ni Commissioner Rowena Guanzon ang kanyang boto para i-disqualify si dating Sen. Bongbong Marcos sa 2022 presidential elections kahit hindi pa binabasa ang pinal na hatol sa anak ng dating diktador — dahilan para hilingin ng isang partidong maparusahan ang nauna.     Huwebes kasi nang humarap sa GMA News si Guanzon para […]