Mga gumagamit ng ICU beds dahil sa COVID 19, bahagyang tumaas
- Published on November 25, 2020
- by @peoplesbalita
BAHAGYANG tumaas ang gumagamit ng mga ICU beds sa gitna ng patuloy na ginagawang pagbabantay ng pamahalaan sa mga kaso ng COVID 19.
Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque bunsod na rin ng mas maraming mga senior citizen, may comorbidities at iba pang mga susceptible individuals ang na-confine sa ICU.
Ani Sec. Roque, kung dati rati ay lampas na sa 50% ang available na kama sa ICU, ito aniya’y bumaba ng kaunti sa 47 porsiyento.
Kaya panawagan ng Malakanyang lalo na sa mga nasa hanay ng vulnerable sector gaya ng mga senior citizens, mga may sakit at mga buntis, manatili na lang sa tahanan gayung sila aniya ang prone na napupunta sa ICU.
Sa kabilang dako, tinatayang nasa 59% ang available na mga isolation beds, 70% naman ang availablity para sa ward beds habang mataas naman ang porsiyento ng availability para sa mga ventilators na nasa 78%. (Daris Jose)
-
PBBM, pinuri si Obiena sa pagkapanalo sa Germany meet
PINURI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.si pole vaulter Ernest John “EJ” Obiena matapos magwagi sa Internationales Stabhochsprung-Meeting sa Jockrim, Germany. “Isang maligayang pagbati para sa ating atleta na si EJ Obiena sa kanyang pagkapanalo ng gintong medalya,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang Facebook post. “Ang pinakitang gilas ni EJ sa […]
-
Conor McGregor handa na sa pagbabalik
Kinumpirma ng kampo ni dating two-division UFC champion Conor McGregor ang pagsabak muli nito sa laban. Ayon sa coach nito na si Johan Kavanagh, na ito ang naging desisyon ng 34-anyos na Irish fighter. Mula pa kasi noong Hulyo 2021 ay hindi na ito lumaban matapos na magtamo ng injury sa hita. […]
-
Surfing champion ng El Salvador patay matapos tamaan ng kidlat
Patay matapos tamaan ng kidlat ang 22-anyos na surfing champion ng El Salvador na si Katherine Diaz. Ayon sa surfing federation ng El Salvador, nasa gitna ng El Tunco ang 22-anyos na surfing champion ng tamaan ng kidlat Hindi na naagapan ang buhay ng biktima ng ito ay dalhin sa pagamutan. […]