Mga guro na ‘di pa bakunado pwedeng magturo sa F2F classes
- Published on August 17, 2022
- by @peoplesbalita
PINAHINTULATAN na rin ng Department of Education (DepEd) ang mga gurong hindi pa bakunado laban sa COVID-19, na makapagturo na sa nalalapit na pagbabalik ng face-to-face classes sa bansa.
Sa isang pulong balitaan nitong Lunes, sinabi ni DepEd Undersecretary Atty. Revsee Escobedo na ang bago nilang polisiya ay payagan na rin ang mga unvaccinated teachers na mag-report sa trabaho at magturo.
Gayunman, kailangan aniya ng mga itong istriktong tumalima sa umiiral na minimum public health protocols, gaya nang pagsusuot ng face masks.
Kailangan din na ang mga silid-aralan na pagtuturuan ng mga ito ay mayroong maayos na bentilasyon.
Ang mga guro naman aniya na makikitaan ng mga sintomas ng COVID-19 ay pinapayuhang magpasuri at manatili na lamang sa tahanan.
Tiniyak ng DepEd na ang mga gurong sasailalim sa quarantine ay magkakaroon ng ‘excused leave with pay.’
Nakikipag-ugnayan na rin ang DepEd sa Department of Health (DOH) para sa pagdaraos ng mobile COVID-19 vaccinations sa mga paaralan, para sa mga bata at mga gurong nais nang magpabakuna. (Daris Jose)
-
1,180 detinido sa Bulacan Provincial Jail, binakunahan ng booster shots
LUNGSOD NG MALOLOS – May kabuuang 1,180 persons deprived of liberty (PDLs) mula sa Bulacan Provincial Jail (BPJ) dito ang tumanggap ng COVID-19 booster shots na isinagawa ng Provincial Health Office-Public Health noong Sabado, Pebrero 26, 2022. Pfizer at Astrazeneca ang mga bakunang itinurok sa booster rollout kung saan 755 sa kanila ay […]
-
Magpiprisinta na makatrabaho ang aktor: BEAUTY, kayang kabugin ang mga mapangahas na eksena nina ALDEN at JULIA
SI Alden Richards pala ang gustong makatrabaho ni Beauty Gonzalez sa next project niya sa GMA. Sa mediacon ng ‘Stolen Life’ ng GMA ay natanong si Beauty kung sino pa ang gusto niyang makatrabaho na artista. “Madami, madami talaga,” pakli ni Beauty. “Well, I really wanna work with a lot of… ang hirap i-explain, e. […]
-
P2K allowance sa PWDs, hirit sa Kamara
INIHAIN ni Quezon City Rep. PM Vargas sa Kongreao ang pagbibigay ng P2,000 support allowance kada buwan sa mga persons with disabilities (PWDs) bilang tulong sa mga ito. Sa panukalang Disability Support Allowance Act (House Bill 5803), sinabi ni Vargas na ang nabanggit na social support program ay itinutulak din ng advocacy group […]