• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga guro, non-teaching personnel obligadong magparehistro sa PhilHealth– CHED

Ginagawang requirement sa ngayon para sa mga guro at non-teaching personnel na makikibahagi sa limited face-to-face classes sa mga kolehiyo at unibersidad ang pagpaparehistro sa PhilHealth, ayon sa Commission on Higher Education (CHED).

 

 

Sinabi ni CHED Executive Director IV Atty. Cinderella Jaro na ang hakbang na ito ay magtitiyak na kapag tamaan man ng COVID-19 ang isang guro o non-teaching personnel ay mayroon siyang matatanggap na benefits mula sa PhilHealth.

 

 

Sa ganitong sitwasyon kasi aniya ang PhilHealth na ang siyang sasagot sa kanilang mga kakailanganin kung sakali.

 

 

Samantala, sinabi rin ni Jaro na dapat mayroon ding isolation facilities ang mga kolehiyo at unibersidad na sasabak sa face-to-face classes.

 

 

Kailangan na sumailalim din sa disinfection ang mga silid aralan sakali mang mayroong magpositibo sa COVID-19.

 

 

 

Para sa mga guro at estudyante, sinabi ni Jaro na dapat mayroon din silang maipakitang katibayan na sila ay bakunado na kontra COVID-19 para sumali sa in-person classes. (Daris Jose)

Other News
  • RFID sa NLEX mataas na ang detection capability

    Pinaganda at mas mataas na ang detection capability ng RFID na ginagamit sa North Luzon Expressway (NLEX), ang unit ng Metro Pacific Tollways Corp., upang mabigyan ang mga motorista ng magandang customer experience sa mga toll gates.       “We have finished installing RFID early detection features in 188 toll lanes, completing the current […]

  • WBC kinilala ang galing nina Donaire at Magsayo

    Labis ang kasiyahan ng dalawang Filipino boxers matapos na sila ay kinilala ng World Boxing Council (WBC) dahil sa kanilang tagumpay ngayong 2021.     Kinabibilangan ito nina Nonito “The Filipino Flash” Donaire Jr at Mark “Magnifico” Magsayo.     Kinilala si Donaire bilang “Comeback of the Year” habang si Magsayo naman ay kinilalang “Prospect […]

  • UST coach Aldin Ayo pinatawan ng indefinite ban ng UAAP

    Pinatawan ng indifinite ban ng University of Athletics Association of the Philippines (UAAP) si University of Santo Tomas head coach Aldin Ayo.   May kaugnayan ito sa “Sorsogon bubble” controversy.   Ayon sa UAAP, na pinagbabawal na makasali sa lahat ng UAAP events at mga UAAP sanctioned-activities.   Ang nasabing ban aniya ay base sa […]